Kuya Kim Ibinahagi ang Throwback Pictures Niya Noong Kabataan Niya Kung Saan May Pagkakahawig Daw Sa Ilan Sa Mga K-Drama Actors

Marami sa atin ang natutuwa sa tuwing nakikita ang mga ibinabahagi ng ating mga iniidolo na artista na kanilang mga litrato noong kanilang kabataan. Ito ay sa kadahilanang, makikita natin kung gaano sila ka-cute noon.


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram

Gaya na lamang ng sikat na TV host at weather forecaster na si Kuya Kim na kung kaniyang ibinahagi ang isang larawan na tila isang K-Drama actor ayon sa mga netizens.

Si kuya Kim ay hindi lamang isang magaling na TV host kundi mayroon din siyang nakakabilib na kakayahan at katalinuhan pagdating sa siyensya. Si kuya Kim ay napakaraming alam pagdating sa mga alagang hayop at lahat ng tungkol sa kalagayan ng panahon.


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram

Bukod pa rito, hindi natin maitatanggi na napakaguwapo at matikas si Kuya Kim noong kaniyang kabataan base sa kaniyang mga larawan na ibinahagi. Ang larawan na ito ay kuha noong siya ay nasa New York City noong taong 1987 at kung ating mapapansin rin ay kahawig na hawig niya ang anak na si Jose Atienza.


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram

Ito ang caption ni Kuya Kim sa kaniyang post, “1987, NYC. I was Jose’s age. @jhatienza undeniable where you got your looks from.”


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram

Nang dahil sa post na ito ni Kuya Kim, marami sa mga netizens ang naguwapuhan at pinuri siya sa kaniyang litrato. Hindi mapigilan ng ilang netizens ang kanilang kilig kay Kuya Kim na isang binata sa litrato.


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram

May ilang mga komento na nagsasabing, “Pogi mo kuya kim, bagets.” “Wow, Kuya Kim, i love the hair and your smile.” “Wow, guwapo ni Kuya Kim”


Image courtesy: Gong Yoo/Instagram


Image courtesy: Kim Atienza/Instagram

Kasalukuyan, hindi ngayon kasama ng pamilya ni Kuya Kim ang kanilang panganay na anak sa kadahilanang ito ay nag-aaral sa Tufts University sa Boston, Massachusetts. Bukod sa kaniyang panganay na si Jose, si kuya Kim ay mayroong dalawang anak pa na nagngangalang sina Emman at Ellana.


Image courtesy: Gong Yoo/Instagram

Tunay nga na napakabilis ng panahon at hindi natin maipapagkaila na nagkakaroon na ng edad ang ating mga iniidolo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *