Ibinahagi ni Kathryn Bernardo sa kaniyang vlog ang home work-out video niya na talagang hinangaan ng mga netizens

Isa marahil sa naging hamon para sa atin ang pagmamaintain na maganda at malusog ang ating katawan dahil sa sarado ang mga gym at sports center dahil sa quarantine. Idagdag mo pa dito na halos buong maghapon lang na karamihan sa atin ay nasa bahay lang at naging pampalipas oras pa nga ng ilan ay ang paghahanda ng masasarap na pagkain para sa buong pamilya.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Youtube

Ngunit kung marami ang nadagdagan ang timbang dahil sa madalas na pananatili nila sa kanilang mga tahanan dahil sa lockdown, ibahin niyo daw ang Kapamilya young star na si Kathryn Bernardo dahil mas lalo pa nga siyang naging fit and healthy nitong mga nakaraang buwan.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Youtube

Ano ang kanyang sikreto? Syempre bukod sa healthy lifestyle ay sinabayan niya ito ng workout at disiplina sa sarili. Naging routine na kasi ni Kathryn noon pang nagsimula ang lockdown ang regular na pag woworkout ng tatlong beses sa isang linggo kahit pa nga siya ay nasa bahay lang.

Nito lamang nakaraang Hulyo 2 ay nag-share ang 24 anyos na Kapamilya actress ng 11-minute-video sa kanyang YouTube channel. Makikita dito kung papano niya ginagawa ang kanyang home workout.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Youtube

Next level ang ginawa niyang exercise routine dahil sinubukan niya “3-day fitness challenge” sa tulong ng tatlong fitness trainer na sina Janie Buelow, Kat Geronimo Garcia a.k.a. Mama Kat, at ang kanyang kapwa aktres na ngayon at certified fitness trainer na rin na si Lovely Abella.

For three days I have decided to just follow their workout advice, just get moving. We’ll be doing a different ab workout everyday, sabi pa niya sa video.

Dahil nga nasa ilalim pa din tayo ng GCQ o general community quarantine, virtual lang ginawang pag-guide sa kanya ng tatlong trainer.


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Youtube

DAY 1

Panther Plank to Pike Combo, Forearm Plank to Pike, Kneeling Inner Thighs, Side Leg Press with Footstrap, Curtsey Lunge, Mini Twister, X-Lunge, Mermaid Twist, Super One-Sided Panther, Power Lunge, Side Leg Press with Footstrap, Curtsey Lunge, Snake, Side Plank, Seated Triceps Extension, Standing Triceps Kickback, Burpees

DAY 2

3 rounds: Leg Raises (30 reps), Reverse Crunch (30 reps), Bicycles (30 reps), Russian, Twist (30 reps), Flutter Kicks (30 reps), Reach Sit-ups (30 reps)

DAY 3

Jack Knives (15 reps – with/without dumbells), Oblique Crushers (15 reps – left and right), Plank Rows (15 reps), Froggies Sit-ups (15 reps), Leg Raise (15 reps)”


Image courtesy: Kathryn Bernardo/Youtube

Matatandaan na nagsimula lang gumawa ng vlog si Kathryn noong January ngayong taon ngunit sa kasalukuyan ay mayroon na siyang higit 1.8 million subscribers.

Watch Here: Kath’s Workout

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *