Ibinahagi ni Ivana Alawi ang mga katangian na gusto niya sa isang lalaki: “Ayaw ko ng sobrang Guwapo.”

Kung mangangalap ka ng impormasyon at magtatanong sa mga kababaihan kung ano ang kanilang ideal man, at ang ibinigay mong choices sa kanila ay “sobrang gwapo” at “hindi kagwapuhan”. Alam naman agad natin na mas marami ang pipili sa isang lalaki na subrang gwapo.


Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Ngunit iba itong si Ivana Alawi na talaga namang kilala ng nakararami dahil sa taglay na kagandahan at magandang hubog ng katawan. Dahil para sa kaniya ang kaniyang pipiliin ay hindi sobrang gwapo.


Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Ano nga ba ang rason ni Ivana kung bakit ayaw niya ng sobrang gwapo? Si Ivana Alawi ay isang sikat na vlogger, kaya naman sa kaniyang pinakabagong vlog na kung saan ang kaniyang panauhin ay si Mimiyuuuh na kilala ding vlogger.


Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Makikitang nakasuot ng mahahalahing kasuotan ang dalawa na sumakay ng isang chopper, na kung saan ay nagbiro pa sila na pupunta ng Paris na ang totoo ay sa Tagaytay sila pupunta.


Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

Dahil magkasama ang dalawa ay masaya silang nagshare ng kanilang pananghalian at dito na nagsimula ang pagpapalitan ng tanungan ng bawat isa at ito ang kanilang kauna-unahang pagsasama sa isang vlog.


Image courtesy: Ivana Alawi/Instagram

At dahil dito, ay naunang tinanong ni Mimiyuuuh si Ivana kung ano ang mga katangiang gusto niya sa isang lalaki. Agad namang sumagot si Ivana, ang gusto niya sa isang lalaki ay family-oriented. Sinabi din niya na ayaw niya ng lalaking manloloko.


Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Sinabi din ng vlogger na ayaw niya ng lalaking sobrang gwapo, para wala siyang kaagaw. Isa pang katangiang hinahanap niya sa isang lalaki ay hindi nagsisinungaling o nagtatago ng sekreto. At higit sa lahat, lalaking may oras para sa kaniya, na ninanais o hinahangad din ng bawat kababaihan.


Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Makikitang hindi nagbabago ang kagustuhan ni Ivana pagdating sa katangian ng isang lalaki. Sinabi rin niyang hindi niya alintana kung ang isang lalaki ay mayaman o hindi kagwapuhan.


Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Dahil dito, ibinunyag niya na mayroon siyang na reject na manliligaw na nagmamay-ari ng isang private jet at sinabing dadalhin siya sa Japan. Ang rason niya ay dahil mayabang. Para sa kaniya ang ipinakitang katangian nung lalaki ay hindi sa pagiging bongga kundi isang mayabang.


Image courtesy: Ivana Alawi/Youtube

Sa kanyang part, isiniwalat ni Ivana na siya ay isang tapat na tao na mangangako sa isang tao pagdating sa relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *