Ibinahagi ni Alex Gonzaga at ng kanyang Future Husband na si Mikee Morada ang lokasyon kung saan itatayo ang kanilang Dream House

Isa sa pinakamasayang pakiramdam sa buhay mag-asawa ay ang magkaroon ng sariling lupa at nakikita mo ang pagtatayuan ng pinapangarap mong bahay kasama ang iyong taong pinakamamahal.


Image couretsy: Alex Gonzaga/Twitter

Tulad na lamang ng aktres na si Alex Gonzaga na makikita sa isang larawan na kasama niya ang kanyang Fiance na si Mikee Morada na nakatayo sa kanilang lupang binili at kung saan itatayo ang kanilang dream house.


Image couretsy: Alex Gonzaga/Twitter

Ang post na ito ay makikita sa social media account ng aktres at mapapansin ang nakawasak na parte ng lumang bahay na dating nakatayo doon. Ito ay ang paghahanda ng dalawa sa pagpapatayo ng bago at sarili nilang bahay.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Saad ng aktres sa kanyang post na malapit na umano matapos ang unang step upang masimulan na ang kanilang dream house. Pabirong inihalintulad niya ang kanilang litrato sa dalawang karakter sa bibliya na si Samson at Delilah na tila kakatapos lang mag-away dahil sa mga sira-sirang parte ng lumang bahay.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Maliban sa naunang litrato ay meron din isa pang ibinahagi ang aktres na kung saan makikita na masaya silang magkasama ng kanyang Fiance at magkahawak ang kamay habang nagpapasalamat sa mga blessing na kanilang natatanggap mula sa Panginoon.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Kung ating natatandaan na nito lamang nagdaang Enero ng kanilang inanunsyo na engage na silang dalawa at ngayon lamang Nobyembre ay masaya namang nag-diwang sina Alex at Mikee ng kanilang ika 4 na anibersaryo.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Makikita naman at mapapansin sa mga post ng aktres ang sobrang pagmamahalan nila sa isa’t isa ng kayang nobyong si Mikee. Marami sa mga netizens ang natutuwa at handang suportahan ang aktress sa lahat ng bagay na gusto nitong gawin.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Alam naman din natin na madami din ang nag-aabang sa mga Vlog na ibinabahagi ni Alex sa kanyang youtube account dahil madami ang natutuwa sa mga ito. Kilala naman ng lahat na ang aktres ay sadyang masyahin at mabait na tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *