‘He is worth the wait’, Pagbabahagi ni Roxanne Barcelo Tungkol sa Kaniyang Pagpapakasal

Kilala natin si Roxanne Barcelo bilang siya ay naging housemate sa Pinoy Big Brother noong 2021. Dahil sa PBB maraming opurtunidad ang nagbukas para sa kaniya. Isa na rito ang nakilala siya dahil sa kaniyang galing sa pagkanta at siya rin ay sumabak sa pag-arte.




Marami na ring mga pelikula at teleserye siyang nagawa kung saan madalas siyang kontrabida. Siya rin ay napabilang sa mga aktres na magaling umarte. Kaya ngayong taon, dahil sa pandemiya nagsimula siyang mag vlog.

Ibinahagi ni Roxanne sa kaniyang Christmas vlog ang kaniyang mga updates kung ano ang mga nangyari sa kaniyang buhay sa nakalipas na mga buwan.

Isa rito ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal. Ayon sa kaniya, dalawang beses siyang inalok ng kasal ng kaniyang boyfriend kaya lang tinanggihan niya ito nung una dahil sa nangyaring community quarantine kung saan hindi pa sila pwedeng magpakasal.

Dagdag pa Roxanne, na gustong-gusto na talaga ng kaniyang boyfriend na maikasal sila bago matapos ang taon. Ibinahagi rin niya na gusto na rin kasi ng kaniyang boyfriend na magsimula na silang magtatag ng sarili nilang pamilya.




Kaya sa dami ng mga nangyari isa lang ang masasabi ni Roxanne tungkol sa kaniyang pagpapakasal,

‘He is worth the wait’. Itong larawan ng kanilang kasal ay ibinahagi niya sa kaniyang Instagram post, na may caption na “My Creator’s best gift ever”.

Ika nga niya, na totoo talaga yung pakiramdam na para sa kaniya talaga ang taong mahal niya. Ayon pa sa kaniya, iba rin talaga sa pakiramdam na gustong-gusto na magulang niya ang kaniyang boyfriend para sa kaniya.

Dahil malaki ang naitulong nito nung mabahaan ng bahay sila Roxanne sa kanilang lugar nung bagyong Ulysses. Kung saan ni-rescue ng kaniyang boyfriend ang na-stranded niyang ina sa kanilang village. Kaya sobrang proud si Roxanne sa kaniya.

Hindi sinabi ni Roxanne ang buong detalye na kanilang pagpapakasal, surpresa lamang ito na ibinahagi niya sa kaniyang latest vlog.




Kaya ngayong papasok na taon, mas magfo-focused si Roxanne sa kaniyang pagkanta at pagvo-vlog kahit hindi na siya madalas mag tapping ngayon.