“Future daughter-in-law” Ina Raymundo, Aprobado ang Aktres na si Julia Barretto Para sa Kanyang Anak na si Jacob Poturnak sa Kabila ng 7 Taong Agwat ng mga Edad Nito

Hindi naman talaga maikakaila ang angking ganda at kaseksihan ng celebrity mommy na si Ina Raymundo kahit nasa late 40’s na ito. Wala ring duda na kung gaano kaganda ang aktres, ay hindi rin maikakaila ang magandang lahi na naipamana niya sa kanyang mga anak.

Ang mga anak nga ng aktres na sina Erika Rae, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve ay sadyang may mga magagandang katangian na kung saan ay hindi maikakaila ang angking ganda ng mga ito. Ang nag-iisa namang lalaking anak ni Ina na si Jacob ay talagang agaw pansin sa mata ng mga kababaihan sa taglay nitong kagwapuhan.




Samantala, kamakailan lamang sa latest episode ng “Drunk and Spill series” ng aktres na si Julia Barretto sa kanyang vlog, ay naging especial guest nito ang seksi mommy na si Ina Raymundo. Ilang ulit ng nagkasama sa mga proyekto ang dalawa kaya naman, kitang-kita kung gaano sila ka-close. Ayon nga kay Julia, ay para na ring ina at bestfriend ang turing niya kay Ina.

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Ibinahagi naman ni Ina kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Ayon nga sa aktres, taong 2016 nang una silang magkasama sa pelikulang “Vince, Kath and James”, hanggang sa nasundan pa ito ng iba pang proyekto at ngayon nga ay nagkasama sila sa YouTube ng aktres.

Paglalahad naman ni Ina, ay pakiramdam umano niya ay anak niya talaga si Julia. Pagbabahagi nga ni Ina, ay isa umano siya sa mga unang nakaalam na ipinagbubuntis ng ina nito si Julia noong 1996.

Photo credits: Ina Raymundo | Instagram

Habang nasa gitna naman ng pag-uusap ang dalawa, naagaw ang atensyon ni Julia ng gwapong anak ni Ina na si Jacob.

“Look at the very handsome son,”saad ni Julia.

Photo credits: Ina Raymundo | Instagram

Tila naman handang makipagtuksuan ang seksi mommy na si Ina kay Julia, at may ibinunyag itong sikreto ng kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Jacob. At nasabi nga ni Ina na:

“Kuya, can I say that you have a crush on Julia?”




Makikita na tila nagulat naman si Jacob sa sinabi ng kanyang ina, at nasambit na lamang ang:

“You already said so”

Matapos nito, ay hindi na nga nagpapigil pa si Ina na ipagpatuloy ang nais ipabatid. Ayon pa rito, ay may crush umano ang kanyang anak kay Julia.

Sagot naman ni Julia, “I didn’t know that.”

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Nagpatuloy naman si Ina na tuksuin si Julia sa kanyang anak.

“Maybe you’ll be my daughter-in-law?Kaya pala ‘yung feeling ko sa kanya para ko siyang daughter kasi daughter-in-law ko pala siya in the future.”

May 7 taong agwat ang edad nina Julia at Jacob sa isa’t isa. Si Julia ay mas matanda ng 7 taon sa binata, ngunit ayon naman kay Ina, ay hindi umano ito hadlang kung sakali mang magkapalagayan ng loob ang dalawa.

“You’re just seven years older. Hello, nagka-boyfriend ako seven years younger than me. Seven years, that’s not a big deal. Just wait ten years from now, you’ll be 33. Tingnan natin kung [magiging sila].”

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Sa sinabing ito ni Ina, ay agad namang sumang-ayon si Julia at sinabing:

“Parang maliit na bagay na request lang eh no? Maghintay lang ako.”

Sa huli ay pinayuhan naman ni Ina si Julia na manatili ang pagkatao ng aktres na kanyang nakilala. At para naman sa kinabukasan nito, ay nais ni Ina na maenjoy ni Julia ang lahat ng bagay, lalo na ang pagkakaroon ng pamilya.

“For me, I would say, stay the way you are. I know you want to have a family someday [so] have a lot of babies. At least four. You’ll have beautiful babies like you’re mom ‘di ba? Ang sarap talaga. It’s a blessing to have many children. Have more fun.”

#DrinkAndSpill Ep 2: Drunk Sing Off With Ina Raymundo