Connect with us

Stories

Ellen Adarna, Naglakad ng 26-Oras ng Walang Tulog, Para Makumpleto ang Kanyang Mental Training sa The KoKoro Program sa Bali

Matatandaan na noong buwan ng Marso, ay lumipad patungong Bali, Indonesia ang aktres na si Ellen Adarna, at ito nga ay upang dumalo sa kanyang 14-day mental health training program.

Sa nasabing buwan din, ay ipinaliwanag ng aktres, kung bakit niya kinakailangan ang nasabing mental health training, kung saan ito ay kanyang ibinahagi sa isang online post.




“To everyone asking, I did mental training because I was stuck in this black hole for almost three years. My anti-depressants didn’t do me any good, it made me immobile and numb. I was getting weaker mentally ang emotionally – something had to be done”, saad nga noon ni Ellen.

Ilang buwan nga matapos ang naging pagbabahagi na ito ng aktres, ay muli itong nagbigay update patungkol sa kanyang training na ito. Kung saan nito lamang ika-27 ng Nobyembre, ay ibinahagi niya na tapos na ang kanyang mental training, kung saan ito ay sa ilalim ng The KoKoro Program sa Bali, Indonesia.

Ayon nga sa aktres, sa loob ng 26-oras ay mulat ang kanyang mga mata, at hindi natulog, ito ay dahil sa kinailangan niyang maglakad ng 115-kilometro, upang matapos niya nga ang nasabing training.
Sa naging pagbabahagi ngang ito ng Ellen, ay may ilang mga netizens, ang nagpa-abot ng katanungan sa kanya patungkol sa naging training niyang ito, sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories.

Isa nga sa mga naging katanungan kay Ellen ng netizens, ay kung paano niya nakaya at nagawang maglakad ng 115-kilometro sa loob ng 26-oras ng hindi niya nagagawang makatulog. At ito nga ay agaran ding sinagot ng aktres ng;

“Yes, I did not sleep but I ate, and I took breaks. Maybe every 30 minutes I would take 5 to 10-minute breaks. It depends on my condition, but no sleep.”

Pagbabahagi nga ng aktres, kahit na wala siyang tulog, kumakain naman siya at nagpapahinga, kung kaya naman, kahit hindi nakatulog ay nagawa niya ang nasabing training.

Malaking tulong rin umano sa aktres, ang training niyang ito dahil sa nabigyang ehersisyo nito ang kanyang mga muscle, at maliban pa dito ay natutunan niya ng tapusin ang isang bagay na kanya ng nasimulan.




“I need that in my life. You have to exercise that muscle and also I kept my word to finish what I started”, saad ni Ellen.

Maliban pa rito, ay ibinahagi rin ng aktres, kung ano ang kanyang mga natutunan sa kanyang naging mahabang paglalakad, kung saan ay dito niya nalaman na kaya niya palang mag-isa, na sarili lamang ang kausap niya sa mahaba-habang oras na siya’y naglalakad. Dagdag pa nga ng aktres, hindi niya rin inakala sa kanyang sarili, na kaya niya palang gawin ang ganitong bagay.

Ibinahagi pa nga ng aktres, na hindi siya na-train sa mahaba-habang lakarin tulad ng isang marathon, kaya naman upang matapos niya ang 26-oras na paglalakad ay inihanda niya ang kanyang sarili “not physically but mentally.”

Saad nga ng aktres, naranasan niya na halos bumigay na ang kanyang kanang binti dahil sa pagod sa paglalakad, ngunit mas nanaig umano ang kagustuhan ng kanyang utak, na matapos niya ang kanyang training, kung saan matapos nga nito, ay naramdaman niya ang kasiyahan , pagiging buo at kontento.

error: Content is protected !!