Doug Kramer Pinasilip ang mga Pananim nila sa Bakuran na pinagkukunan ng Kanilang Kinakain sa Pang Araw- Araw

Nakakatuwa lang isipin na marami na ang mga taong nahilig sa pagtatanim simula nung nagkaroon ng pandemiya.




Isa sa mga epekto ng pananatili lamang sa loob ng bahay ang pagkahilig na sa aspeto ng agrikultura. Kung iisiping mabuti, meron din namang magandang naidulot ang pandemiya dahil nabawasan ang polusyon lalong lalo na sa hangin.

Higit sa lahat, dumami ang mga halaman na siyang nagsasala ng maruruming hangin sa kapaligiran. Nakatulong din ang pagtatanim sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao dahil dito na rin sila kumukuha ng pwedeng kainin sa bawat araw.

Isa sa mga ito ang pamilya nila Doug at Cheska Kramer. Dahil sa nakahiligan na nila ang pagtatanim gumawa sila ng sarili nilang bakuran kung saan doon nakatanim ang samu’t sari nilang prutas at gulay. Itong kanilang bakuran ay itunuring na nilang parang tindahan, dahil sa ibinigay nitong instant na pagkain na dulot ng kanilang pagtatanim.

Sa Instagram post ni Doug, “Gavin watching over his gardener mama! Harvesting has been hard cause the rainy season. But they’re all starting to grow again in the plant boxes!”

Makikita dito kung paano inaayos at inaalagaan ni Cheska ang kanilang mga tanim lalo pa’t naapektuhan ito ng nagdaang bagyo. Ang mga tanim na gulay at prutas ng mag-asawa ay purong organiko.




Dito sa kanilang bakuran sila kumukuha ng kanilang pagkain sa pang araw-araw. Sadyang napakagaling ng mag-asawa dahil sa kanilang kasipagaan sa pagtatanim mayroon silang inaani sa araw-araw.

Napakalaking tipid ito para sa kanila dahil hindi na sila magaatubiling pumunta pa sa pamilihan ng mga gulay at prutas dahil ito ay nasa loob na ng kanilang bakuran. Higit sa lahat, malaki ang naitutulong nito upang sila ay mabuhay kahit gulay at prutas lamang ang mga ito.

Kaya dahil sa kanilang green living na pamumuhay, maraming mga netizens ang natuwa rito. Ang kanilang bakuran ay naging inspirasyon ng marami dahil sa simpleng paraan na ito, ay mabubuhay ang tao. Kaya’t marami ang mga namangha kagaya na lamang ng mga ito.

“Wow amazingly beautiful clean n green surrounding. It’s very envigorating place to live. GOD BLESS THE WORKS OF YOUR HANDS TEAM KRAMER. TO GOD BE ALL THE GLORY AMEN AMEN N AMEN.”
“The best talaga kayong Team Kramer I admire you both and all your kids…ang gaganda ng mga projects nio..God bless you TEAM KRAMER! MERRY CHRISTMAS TO ALL!”

Ang pagtatanim ng mag-asawang Kramer ay nagpapatunay sa kasabihang kapag may itinanim, ay may aanihin. Kahit na may nagsarang opurtunidad ng buhay, sa kabilang banda naman ay may nagbukas ng pagkakataon upang mabuhay. Kaya’t panatilihin lamang ang pagiging masipag at matiyaga kagaya na lamang ng Team Kramer.