Dingdong Dantes at Marian Rivera Nagbahagi ng Kanilang Napakagandang Christmas-themed Family Portrait

Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay mga celebrity couple na hinahangaan sa industriya ng showbiz. Marami ang umiidolo sa kanila dahil sa kanilang galing sa pag-arte.




Ngayong kapaskuhan ang pamilya Dantes ay nagdiwang ng kanilang napakaganda at napakasayang Noche Buena.

Ibinahagi ni Dingdong Dantes sa kaniyang Instagram, ang napakasayang larawan ng kanilang pamilya kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy pati na rin ang asawang si Marian Rivera.

Ang kanilang pictorial ay may tema ng kapaskuhan kung saan makikita sa mga larawan ang kagandahan ng paligid nito na puno ng dekorasyon. Ang kanilang paligid ay puno ng palamuti na nilalagay tuwing Pasko, ito ay nasa sa fireplace, may medyas ni Santa Claus, at may mga manika ng Nutcracker.

Ayon sa post ni Dingdong, ito ay ang kaniyang pagbati ng maligayang kapaskuhan para sa lahat.
“Sending some love and happiness from our family to yours this Holiday Season.”

“May you and your loved ones stay safe, strong and healthy as we welcome the coming year with much hope and prayers for abundance, peace and joy,” dagdag pa niya.

Sa isa nilang family photo, makikita dito na binabasahan ni Dingdong ang kaniyang mga anak na sina Zia at Ziggy ng aklat na may caption na,

“Habang nagsa-swab test si Santa, ako na muna ang pagtiyagaan niyo.”




Sa isa pang post ni Dingdong ay ang isang larawan ng kanilang mga anak, ipinakita ng dalawang bata na sila ay nakasakay sa isang vintage mini red car.
Si Dingdong ay nagbahagi rin ng mga kuhang larawan sa kaniyang Instagram, na may caption na,

“Yung napa-OMG si Letizia at dedma si Jose. 😜” na may gulat-gulat na reaksiyon ni Zia.

Nag post rin si Marian sa kaniyang Instagram, makikita ang kanilang abot langit na ngiti nilang mag-asawa. Siya ay nagbabahagi ng kaniyang pagbati ng maligayang kapaskuhan.

“Sending some ❤️ and Happiness from our family to yours this holiday season! Mataimtim na Dasal para sa kaligtasan nating lahat.”

Makikita rin sa isang larawan ni Zia na pinost rin ni Marian, kung saan nakaupo si Zia sa isang couch at nakangiti.

Ito ay may caption, “Ate please don’t grow up too fast…🥺😍 Happy Holidays from Ate Z 🎄”.

Isa pang larawan na pinost ni Marian, ay ang larawan ng kaniyang bunsong anak na si Ziggy na napaka gwapo sa suot nito.

Sa pagtatapos ng post ni Marian, buong pusong bumabati ang kanilang pamilya ng maligayang kapaskuhan sa lahat.