Connect with us

Stories

Dating Flight Attendant at Beauty Queen, Proud na Nagtatrabaho Ngayon Bilang Seller ng LPG Matapos Matanggal sa Trabaho

Sa pagkakaroon ng pandemya saan mang panig ng mundo, ay malaki ang naging epekto nito sa buhay ng maraming tao. Ito ay hindi lang dahil sa pangamba na dulot ng nakakahawa at nakamamatay na sakit na ito, kundi maging sa naging dulot nito sa ekonomiya ng mga bansa kung saan ay maraming mga tao ang naghirap at nawalan ng trabaho.




Dahil nga sa pandemya ay marami ang nalugmok sa kahirapan, at marami sa mga may masaganang kabuhayan ang unti-unting bumagsak ang ikinabubuhay.

Photo credits: Maurice Maureen Avila | Facebook

Ngunit dahil marami sa mga tao, ang likas na palaban at matapang na harapin ang anumang pagsubok ng buhay, ay marami pa rin sa atin ang nakapag-hanap ng paraan at gumawa ng kani-kanilang diskarte sa buhay upang mabuhay, lalo na para sa kanilang umaasang pamilya.

Marami man ngang pagsubok ang ibinigay ng taong 2020 sa atin, ay marami sa atin ang patuloy lang lumalaban at wala sa isipan ang pagsuko. At nakakatuwa ngang isipin, na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan natin ngayong taon na ito, ay patuloy pa rin ang ating nagiging pagbangon, kung saan ang ilan pa nga ay nagsilbing inpirasyon sa kapwa.

Isa na nga sa mga ito, ay ang kwento ng buhay na puno ng inspirasyon ng isang dalaga na dating flight attendant at beauty queen, na naudlot ang maraming mga pangarap, dahil sa naging pagkakatanggal niya sa trabaho dulot ng epekto ng pandemya.

Photo credits: Maurice Maureen Avila | Facebook

Ang dalaga ngang ito ay kinilalang si Maurice Maureen Avila, isa sa mga dating flight attendant ng Cebu Pacific Air, na ng dahil sa pandemya ay isa sa mga tinanggal ng nasabing kumpanya sa trabaho, matapos ang 3-taon nito sa pagiging isang flight attendant.

Dahil nga sa kakaunting “flights” ngayon sa iba’t ibang mga paliparan, ay marami sa mga kumpanyang ito ang nagawang magbawas ng tao, at isa na nga mga ito ay si Maurice.

Ngunit sa kabila ng naging pagkatanggal sa trabaho ng dalaga, ay hindi ito nawalan ng pag-asa, at mas pinili na maghanap ng ibang trabaho na magiging daan niya upang matulungan ang kanyang pamilya.

Photo credits: Maurice Maureen Avila | Facebook

Ngayon nga ay proud ang dalaga sa kanyang bagong ikinabubuhay, kung saan ay malayong-malayo man ito sa pagiging isang flight attendant niya, ay hindi naman niya ito dapat ikahiya dahil sa marangal ang bago niyang trabaho ngayon.

Kung noon nga ay mga maleta ang hila-hila ng dalaga sa trabaho niya bilang flight attendant, ngayon ay proud siya na pagde-deliver at pagbebenta ng LPG ang kanyang ikinabubuhay.

Samantala, sa naging pagbababahagi nga ng dalaga sa kanyang Facebook account ay inamin nito, na noong una ay hindi naging madali sa kanya na tanggapin na hindi na siya isang flight attendant, ito ay matapos niyang matanggap ang 2nd wave of retrenchment mula sa Cebu Pacific noon ika-16 ng Oktubre.

“YES, I AM ALREADY UNEMPOYED. I AM NOT A FLIGHT ATTENDANT ANYMORE, AND I DON’T HAVE A WINGS ANYMORE.”

“It took me so long to accept and post this in social media. Madaming nagtatanong sakin pero hindi ko nirereplyan. Kase nahihiya ako. Kase feeling ko nag-fail ako sa buhay”, ang naging saad nga ng dalaga.

Dagdag pa ng dalaga, talagang dinamdam niya ng halos dalawang linggo ang pagkatanggal niya sa trabaho, kung saan ay hindi siya makakain at makatulog ng maayos. Umiiyak, araw man o gabi, at naitanong rin niya sa Diyos kung bakit kinailangan nitong kunin sa kanya, ang pinaghirapan niyang pangarap.




Ngunit makalipas ang ilang linggo, ay unti-unti ng natanggap ni Maurice ang nangyari, at na-realize na HINDI DAPAT IKAHIYA NA NATANGGAL KA SA TRABAHO.

Ibinahagi pa nga ni Maurice sa kanyang post na ito, ang kanyang mga larawan kung saan ang isa ay kuha noong flight attendant pa siya, at ang isa ay ang larawan niya ngayon sa paghahanap buhay bilang proud seller ng LPG.

Sa naging pagbangon ngang muli ng dalaga, matapos ang pagkalugmok dahil sa kanyang naudlot na pangarap, ay masaya niyang ibinahagi na sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay hindi kailangan mawalan ng pag-asa. At hindi rin kinakailangan na pakinggan mo ang opinion ng iba, sa kung ano man ang buhay na tatahakin mo, matapos mong malugmok at matutunang bumangon.

Photo credits: Maurice Maureen Avila | Facebook

“DISKARTE AT SAKRIPISYO ANG BUBUHAY SAYO AT SA PAMILYA MO. HINDI OPINYON NG IBANG TAO.”

Kahit pa nga ba malayo sa dating trabaho ang ikinabubuhay ngayon ni Maurice, ay sinabi nito, na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na muling lilipad ang kanyang pangarap, dahil muli siyang susubok na maging isang flight attendant kapag nagkaroon ng Grand Hiring para sa mga FA.

“Para sa mga gusto pa ring mag-FA kita kits tayo sa pila sa Grand Hiring. Sabay sabay tayong lilipad ulit! There is always hope and always keep in my mind that there is a light at the end of the tunnel. We will paint sky yellow, blue and red again! We will have our wings again.”

Pinasalamatan rin ng dalaga, ang dating kumpanya na kanyang pinagtrabahuan, kung saan ayonkay Maurice, ay malaki ang naitulong nito, sa buhay at pagkatao niya.

“Maraming salamat, Cebu Pacific. Binago mo ang buhay ko. Binago mo ang pagkatao ko. It was a pleasure to be on board. Thank you everyone.”

“Maurice Maureen Avila, Your Lead Cabin Crew 258240, Now signing off.”

error: Content is protected !!