Hindi maitatanggi na isa sa talagang pumapawi ng ating lungkot at pagod ay ang mga cute na sanggol. Sa kanilang maamong mukha at mga nakakagaan sa pakiramdam na mga ngiti mula sa kanilang mga labi ay tiyak na magiging masaya at buo ang araw natin.
Kung nag-uumapaw na kacutan lang din naman ang pag-uusapan, kabilang nga riyan ang anak ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia. Siya nga ang napakacute na baby boy ng mag-asawa na si Baby Amari. Si Baby Amari ay isinilang ni Coleen noong Setyembre 10, sa pamamagitan ng water birth sa loob ng kanilang tahanan. Kaybilis naman ng paglipas ng panahon at ngayon nga ay tatlong buwang gulang ito.
Walang katumbas na kaligayahan naman ang hatid ni Baby Amari sa kanilang pamilya. At ngayong 3 buwang gulang na ito, ay mas lalong naging masaya ang kanilang pamilya dahil sa bawat bonding moments, ay makikita na rin ang nakakatuwang reaksyon ni Baby Amari. Madalas ring ibahagi ng celebrity parents ang milestone ni Baby Amari sa social media na siya namang inaabangan ng kanilang mga tagahanga.
At kamakailan nga, ay muli na namang pinanggigilan ng madla ang napakacute na si Baby Amari. Ito nga ay matapos ibahagi ni Mommy Coleen ang masayang bonding moments ng kanyang mag-ama.
Sa isang video na ibinahagi ni Mommy Coleen sa Instagram, makikitang ang sarap ng ngiti at tawa ni Baby Amari habang kinakantahan ito ni Daddy Billy ng awitin ni Bobby McFerrin’s “Don’t Worry, Be Happy”. Ang munting halakhak nga ni Baby Amari, ay sadyang nakakahawa at naghatid rin ito ng ngiti hindi lamang sa kanyang mga magulang kundi pati sa mga netizens.
Makikita rin na tila naiintindhan na ni Baby Amari ang nais ipabatid ng kanyang mga magulang. At nang marinig nga ang boses ng kanyang Mommy Coleen na nagsabi ng “I love you”, ay tila nais rin nitong gayahin at sambitin ang sinabi ng kanyang ina.
Ngunit, maliban sa kacutan ni Baby Amari, ay agaw-pansin rin ang alagang asong Chihuahua nina Coleen at Billy na si Tamomo na nanonood at nakikinig kay Billy habang kinakantahan nito si Baby Amari. At kung pagmamasdang mabuti, ay nagseselos ang munting aso na tila nais rin nitong magpakarga kay Billy at kantahan rin siya.
Hingangaan at kinagiliwan naman ng mga netizens ang masayang bonding moments ng mag-ama at maging ang cute na asong si Tamomo.