Celebrity Couple Mark Herras at Nicole Donesa, Masayang Ibinahagi ang Pagbubukas ng mga Regalong Natanggap sa Baby Shower ng Kanilang Anak

Isang masayang baby shower party ang isinagawa ng celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa kamakailan. Ngunit, dahil sa protocols na kinakailangang sundin bunsod ng pandemya, ay hindi nakapunta ang ilan sa mga bisita nina Mark at Nicole.




Ngunit, sa kabila nito ay natuloy at naging matagumpay ang ginawang baby shower ng celebrity couple bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang panganay na anak.

Matapos nga ang matagumpay na baby shower, ay masayang ibinahagi ng soon to be parents sa kanilang latest vlog na mapapanood sa kanilang YouTube ang pagbubukas ng mga regalong natanggap sa baby shower ni Baby Corky.

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

Ayon sa Kapuso couple, ay part 2 ito ng kanilang baby shower vlog na kanilang ibinahagi sa kanilang YouTube Channel. Sa nasabing vlog nga, ay buong pusong pinasalamatan nina Mark at Nicole ang mga biyayang kanilang natanggap mula sa mga taong nagpakita ng suporta sa kanila.

“Ang dami naming blessings, ang daming friends na nagtulong sa amin. We just want to say thank you before we show the gifts. These are all from family, from friends and sponsors.”

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

Ayon naman kay Nicole, dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19, ay mas pinili ng karamihan na ipadala na lamang ang kanilang mga regalo. Ang ilan nga ay pina-LBC, samantalang ang iba naman ay pera ang ibinigay at sila na lamang mismo ang bumili.

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

“Most of these gifts were given from family who are not here in the Philippines. ‘Yung iba, nag-LBC or nagpadala na lang ng money then kami na lang ang bumili. Pero dahil sa pandemic hindi sila makakauwi.”

Hiling naman ng Kapuso aktor na sana ay makadalo na ang mga ito sa binyag ni Baby Corky kapag wala ng pandemya.

“Hopefully sa binyag. Dapat. Hindi pala hopefully, dapat po sa binyag.”

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Hunyo ay proud na inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement. Ito nga ay matapos ang halos isang taong relasyon bilang magkasintahan. Samantala, una namang inanunsyo ng Kapuso couple ang pagbubuntis ni Nicole noong nakaraang buwan ng Setyembre.

Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube




Photo credits: MARKNICO HERRAS | Youtube

At sa kaparehong buwan rin ay nagkaroon ng gender reveal party ang dalawa para sa kanilang panganay na anak. Ganun na lamang nga ang kaligayahan ng couple lalo na si Mark, nang mabunyag na isang baby boy ang ipinagkaloob sa kanila.

Bibiboy Corky's Baby Shower Part 2