Bouquet na may Chocolates at Kalakip na Halagang 400K Pesos Para Surpresa sa Isang Ina, Nag-Viral sa Social Media

Tunay nga na ang pagmamahal ng isang magulang sa kanilang mga anak, ay walang kapantay.

Sapagkat, kahit anong hirap at sakripisyo ay kaya nilang gawin para sa mga ito. Kaya naman, hindi rin nakapagtataka, na marami sa mga anak, ay ginagawa rin ang lahat upang ibalik sa kanilang mga magulang, at pagmamahal na inilaan ng mga ito sa kanila, lalo na pag naging maganda ang kanilang kinabukasan dahil sa sakripisyo ng kanilang mga magulang.




Katulad na lamang nga nito, ay ang isang anak, na naglaan ng isang nakamamanghang surpresa sa kanyang ina na talaga namang kahit sinong ina ang mapagbigyan ng sorpresa niyang ito ay talagang matutuwa sa sobrang kasiyahan.

Ang nakamamangha ngang surpresa na ito, ay isang napakalaking bouquet, na hindi karaniwan, dahil sa hindi bulaklak ang napapaloob dito, kundi limpak na salapi, na magandang nakasalansan at nakaayos dito, na may kalakip pa ngang mga masasarap na tsokolate.

Ang naturang bouquet ngang ito ay makikita sa post ng Facebook page na may pangalang Gifts4everyJuan noong buwan ng Setyembre 2020. Kung saan dito nga ibinahagi ang larawan ng isang nakakamangha sa laking boquet, kung saan ay hindi ka sa laki talagang mapapa-wow dito, kundi dahil sa halaga ng pera at mga tsokalate na nakalakip sa nasabing bouquet.




Ayon nga nakasaad sa nasabing Facebook page, sila umano ang naging daan upang mabigyang surpresa ng isang mapagmahal na anak, ang kanyang ina, at ito nga ay sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng napakalaking boquet na ito na mayroong napakaraming pera, na umabot umano sa apat-raang libong piso (400K).

Ibinahagi rin sa naturang post, na ang naturang anonymous client, na siyang anak ng pagbibigyan ng bouquet, ay isang OFW. Kung saan ay isang taon ring pinag-ipunan ang pasurpresa niyang ito, para sa kanyang mahal na ina.

Dahil sa talagang agaw-pansin ang nakamamanghang surpresa na ito na bouquet na umaapaw sa salapi at mayroon pang tsokolate, ay marami ang mga netizens ang napa-Sana all dito.

Nag-viral din ang post na ito, sa social media na umani ng napakaraming likes, shares at reactions.