Entertainment
Binyag ng anak nila Dianne Medina at Rodjun Cruz na si Baby Joaquin Sabay sa kanilang 1st Wedding Anniversary

Ang pagkakaroon ng anak ay isa sa mga masasayang regalong natatanggap ng mga mag-asawa. Mula sa pagsilang hanggang sa pag-aalaga ay masaya itong gampanin bilang isang magulang. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga anak na sila ay magdiwang ng kanilang kapanganakan.
Sila Dianne Medina at Rodjun Cruz ay hindi na lingid sa publiko ang kanilang relasyon. Sa kanilang 13 taon na pagiging magkasintahan sila ay nagpakasal at nagtatag ng sariling pamilya.
Sila ay ikinasal noong nakaraang taon ng Disyembre 21, 2019. Kaya ngayong taon, kasabay ng pagdiriwang nila ng kanilang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay idinaos rin nila ang binyag ng kanilang 3 buwang anak na si Baby Joaquin.
Ang kanilang anak ay ipinanganak noong nakaraang Setyembre ngayong taon. Itong araw na ito ay napaka espesyal sa kanila dahil dalawang napaka importanteng selebrasyon ang kanilang idinaos.
Ayon kay Rodjun, nakaplano na talaga ang lahat mula sa kanilang pagpapakasal, sa pagkakaroon nila ng anak at sa naging binyag ng kanilang anak na sinadya nilang isabay sa kanilang unang annibersaryo bilang mag-asawa.
Pinost ni Rodjun sa kaniyang Instagram, ang larawan nilang magpamilya habang nagdaraos sila ng binyag. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng kanilang mga kaibigan at ng kanilang mga kapamilya.
Nagkaroon sila ng online christening para sa mga kaibigan at kamag-anak nila na hindi nakadalo upang masaksihan pa rin ang napaka importanteng pagdiriwang. Ang kanilang selebrasyon ay naging ingrande marami ang mga naging handa.
Ayon sa isang vlog ni Rodjun, ang kaniyang ang anak ay isang sagot sa kaniyang panalangin.
“Sobrang happy ko talaga. Hindi ma-explain ‘yung feeling. Overwhelming.”
Siya iya ay natutuwa at nasasabik sa magiging bonding moments nilang mag-ama paglaki na kaniyang anak. Idinagdag pa niya, na papalakihin nilang maayos na bata ang kanilang anak, bibigyan nila ito ng sapat na pagmamahal at pag-aaruga at higit sa lahat palalakihin nilang may takot sa Diyos.
