Bearwin Meily, hinangaan ng maraming netizens dahil sa napakalaking pagbabago ng kaniyang pangangatawan na isa nang ganap na maskulado

Walang bagay sa mundo ang permanente kahit sa anumang aspeto ng buhay. Hangga’t may gusto kang makamit sa buhay ay gagawin mo ang lahat kahit ano pa man ang mangyari. Hindi mo ito susukuan kundi ipaglalaban at lalo nang hindi ka dapat magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba. Tulad na lamang ng kilalang komedyante, aktor at magician na si Bearwin Meily na malaki ang pinagbago simula noong huling nakita natin siya.


Image courtesy: Bearwin Meily/Facebook page

Marami ng proyekto ang ginampanan ng aktor sa showbusiness at isa na dito ang hindi malilimutang pelikula na pinamagatang Hari ng Sablay. Hindi din malilimutan ang kanyang mga kakaibang joke na talaga naman matatawa ka at ang kanyang signature na linya na “yahoo-yahoo!”.


Image courtesy: Bearwin Meily/Facebook page

Kung atin matatandaan si Bearwin noon ay meron chubby na pangangatawan na talagang makikilala mo agad sa paglabas nito sa telebisyon. Makalipas ang ilang taon ng hindi nito pagparamdam sa showbusiness ay muli na naman kinalampag ng aktor ang mundo ng social media sa kanyang malaking pagbabago. Dahil ang kilala natin na Bearwin na dating chubby ay isa na ngayon hunk dahil sa laki ng kanyang ipinayat at inilaki naman ng mga muscles, sabi nga ng ibang netizens na maala Derick Ramsey lang ang datingan.


Image courtesy: Bearwin Meily/Facebook page


Image courtesy: Bearwin Meily/Facebook page

Nang tanungin ang aktor kung bakit nagpasiya umano ito magpalaki ng katawan, ito ay dahil sa malaki ang kanyang ibinigat noong 2011 na tila hindi bagay sa kanyang taas at masama na tila umano ito sa kanyang kalusugan. Kung kaya hindi nag atubili ang aktor na mag ehersisyo upang makamit ang ideal body na kailangan niya.


Image courtesy: Bearwin Meily/Facebook page


Image courtesy: Bearwin Meily/Facebook page

Dagdag pa umano ng aktor na hindi niya makakamtan ang pagbabago ng ito kung hindi niya pupursigihin ang kanyang sarili at para naman ito sa kanyang kalusugan. Saad din niya na wala siyang ginagawang pag-diet at kasalukuyang mas malakas pa umano ito kumain. Malaki ang pinagbago ng aktor pagdating sa lifestyle. Disiplina at respeto sa sarili upang mapangalagaan ang kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *