Aubrey Miles, Ipinasilip ang Kanyang mga Kahanga-hangang Plant Collection na Itinuturing niyang Parang Kanyang mga Anak

Kung ang ilan nga ay nitong mga nakaraang buwan lamang ng pandemya nadiskubre ang kanilang pagkahilig sa pangongolekta ng mga halaman, na kanilang naging libangan, ang aktres na si Aubrey Miles noon pa man ay isa nang certified plantita.

Maliban nga sa pinagkakaabalahang fitness routine, isa rin sa libangan ng aktres na nagbibigay saya sa kanya, ay ang pag-aalaga ng mga halaman. At sa dami nga nito ay sadyang kahanga-hanga ang kanyang mga koleksyon. Hindi nga maikakaila sa mga larawang ibinabahagi sa kanyang Instagram account, kung gaano niya ineenjoy ang pag-aalaga ng mga halaman.




Kung ang ilan namang plant collectors ay “certified plantita o certified plantito” ang tawag, si Aubrey naman ay isang “The Mother Plant” kung tawagin ang kanyang sarili. Ito nga ang nakalagay sa kanyang bio sa Instagram. Kapansin-pansin rin na may nakalaang IG highlights sa account ng aktres kung saan sama-samang makikita ang kanyang mga halaman.

Sa nakaraang panayam ng PUSH kay Aubrey, ay masaya niyang ipinasilip ang kanyang mga kahanga-hangang koleksyon ng mga halaman.

Ayon naman kay Aubrey, ang pagkakaroon ng marami at naggagandahang halaman sa tahanan, ay nagbibigay sa kanya ng pakiramdam ng tila pagkakaroon rin ng maraming anak. Ito nga ay dahil, talagang inaalagaan niya at nagbibigay siya ng oras sa mga ito kung saan ay ginagawa ang kanyang responsibilidad.

“Feeling ko ang dami kong anak. Ang dami mong inaalagaan and I feel responsible. I feel na pag-uwi ko, parang ang dami naghihintay sa’kin. Then pag nagtatravel ako, I worry. ‘Yung parang they give you a sense of responsibility also.”

Samantala, ibinahagi naman ni Aubrey kung paano siyang naging isang certified plantita. Ayon sa aktres, habang lumalaki siya ay napapaligiran na siya ng mga magagandang halaman, dahil ang kanyang ina ay mahilig sa mga bulaklak. Ngunit, nang magtungo ito sa United States upang doon manirahan ay namiss ni Aubrey ang presensyang hatid ng kanyang ina. Kaya naman, naisip ng aktres na mangolekta na rin ng mga halaman nangsagayon ay tila kasama pa rin niya ang ina sa paligid.

Nagbahagi rin si Aubrey ng mga paraan sa pag-aalaga ng mga halaman. Tulad na lamang nga ng pag-iipon ng tubig ulan upang ipandilig sa mga indoor plants, paggamit ng fertilizer isang beses sa isang buwan, at pagputol sa mga patay na dahon. Ayon pa sa aktres, hinahawakan pa niya ang lupa upang makatiyak kung pwede na bang diligan ang mga halaman.




Masaya naman ang aktres sa ginagawa niyang pag-aalaga ng mga halaman. Ang makita ngang malusog at lumalago ang nga ito ay nagbibigay sa kanya ng labis na kaligayahan.

“Very fulfilling siya kasi once na nagbigay siya ng leaves, new life, parang feeling mo mga anak mo sila. ‘Nung buntis ako, talagang grabe ‘yung plants ko, kasi parang wala akong ginagawa, sobrang parang ‘yung nesting ko is planting.”