Marami ang nahumaling at nagkaroon ng interes sa pag-aalaga at pangongolekta ng mga halaman ngayong panahon ng pandemya na kung tawagin ay certified plantita at plantito. Kabilang na nga rito ang mga sikat na celebrities sa showbiz kung saan ay ginawang libangan ang pag-aalaga ng mga halaman sa kanilang tahanan habang wala pang trabaho.
Kung ang ilang celebrities, ay ngayon lamang nadiskubre ang hilig sa paghahalaman, ang aktres at businesswoman na si Aubrey Miles ay mahigit isang dekada nang nag-aalaga ng mga naggagandahang halaman. Kaya naman, hindi nakapagtataka na umabot na ng mahigit 100 piraso ang iba’t ibang klase ng halamang nasa kanyang koleksiyon.
Photo credits: Aubrey Miles | Instagram
Ngunit, ang pangongolekta ng halaman, ay hindi basta-basta dahil bukod sa kinakailangan ito ng oras at atensyon upang maalagang mabuti, ay kailangan rin ng sapat na salapi dahil sa hindi birong presyo ng bawat halaman.
At kamakailan nga, sa panayam ng Summit Media kay Aubrey, ay ibinahagi niya kung magkano ang kanyang nagagastos para sa bawat halaman. Ibinahagi rin ni Aubrey ang dahilan kung bakit kailangan niya ng mas malaking green house sa kanilang tahanan para sa kanyang koleksyon.
Photo credits: Aubrey Miles | Instagram
Ayon nga kay Aubrey, ay wala umanong makakapigil sa isang plant lover, dahil walang katapusan ang pagkahilig sa halaman. Kaya sa dami ng kanyang halaman ay mapupuno ang kanilang tahanan kung kaya’t kailangan niya ng mas malaking green house.
“Pagka talagang plant lover ka, you want a lot. Never-ending. I have a small greenhouse. Pagka hindi ako kumuha ng bigger one, mapupuno itong loob ng bahay ko and I need to be considerate with my family.”
May nakakalula namang halaga ang mga halaman ni Aubrey, at ang bawat presyo nga nito ay naglalaro sa halagang P100,000-P300,000. At ang pinakamahal ay isang “variegated billietiae” na nagkakahalaga ng P300,000. Ibinahagi rin Aubrey na may rare plant siya sa kanyang koleksyon na kung saan ay hindi matatagpuan sa lahat ng bansa.
“The most expensive one is the variegated billietiae. It’s the colorful one. I have this rare one na hindi lahat ng countries meron. The spiritus sancti, it’s also one of the most talked-about plants in the plant community- in the world.”
Photo credits: Aubrey Miles | Instagram
Inamin naman ni Aubrey na hindi lamang pangongolekta ng halaman para sa kanyang koleksyon ang kanyang ginagawa, kundi itinuturing rin niya itong isang investment. Ito nga ay dahil tinitiyak ni Aubrey na ang mga mahal na halaman na kanyang nabibili, ay kanyang napapadami o napapa-propagate. At kapag nga napadami niya ang mga ito, ay kanya naman itong ibinibenta upang maibalik ang perang nagastos.
Photo credits: Aubrey Miles | Instagram
“You know sometimes when they ask me parang I feel like they think I’m crazy or insane to pay that much. But the way I do it, when I get an expensive plant, I make sure that I’m going to propagate it. Propagation is when you cut them then grow and then I sell them to get my money back. So I sell them. Some I sell to get my money back.”
Binigyang diin naman ni Aubrey na ang pag-alaaga ng halaman bilang isang plantita, ay hindi lamang basta hobby kundi isang matatawag na “personal devotion”. Ito nga ay dahil sa kaakibat na responsibilad upang maalagang mabuti ang mga halaman.
Photo credits: Aubrey Miles | Instagram
“Yung responsibility of having plants it’s like having pets. Love them and then they will love you back even more. More than you give.”