Connect with us

Lifestyle

Anne Curtis Pinasilip ang Simpleng Pamumuhay sa Australia Kasama ang Kaniyang Pamilya

Si Anne Curtis ay nanirahan sa Australia kasama ang kaniyang asawang si Erwan noong Disyembre ng nakaraang taon.




Nagdesisyon si Anne na manirahan muna sila sa Australia dahil malapit na siyang manganak. Kaya huminto muna siya sa kaniyang pagtatrabaho bilang isa sa mga host ng noontime show na ‘It’s Showtime’. Pati na rin ang kaniyang mga taping ay hininto niya muna dahil sa kaniyang kalagayan.

Ayon kay Anne, ang isa pa sa mga dahilan kung bakit umalis siya ng bansa ay dahil gusto ng kaniyang ina na nasa tabi lang siya nito habang manganganak siya.

Kaya noong Marso ngayong taon ay ipinanganak ni Anne si Baby Dahlia Amelie. Dahil na rin sa pandemiya kaya hindi nakabalik agad ng Pilipinas sila Anne kaya nanatili muna sila sa Australia habang may travel restrictions pa. Ang kanilang bahay sa Australia ang unang nasilayan ni Dahlia kaya ini-enjoy nila ang pananatili dito upang maging memorable ito sa kaniya.

Kaya ngayon isang taon na silang naninirahan sa Australia. Sa kanilang pananatili ng matagal sa Australia ang nagbigay sa kanila ng pagkakataon upang maging hands-on parents sa kanilang anak. Ibinahagi ni Anne ang magandang pamumuhay nila sa kanilang bahay sa Australia.

Sa isang Instagram post ni Anne, makikitang nagluluto si Erwan ng kanilang almusal habang nakaupo at nanonood sa kaniya si Dahlia. Ito ay may caption ni Anne, “Dahlia, can do the cooking with her papa but the singing? She’ll do with me.” “Buti na Lang I memorize na pretty much all the Disney songs and nursery rhymes out there.”




Pinost din ni Anne ang larawan ni Dahlia na nakahiga sa kaniyang ‘Trip Trap Chair’. Ipinakita din ni Anne ang kanilang sala kung saan niya ini-entertain ang kaniyang mga bisita.

Ipinakita ni Anne ang larawan ng kanilang Christmas tree na naging bahagi ng ABS-CBN’s Christmas Station I.D. na ginamit bilang isang prop na bahagi sa ‘It’s Showtime’.

Sa larawan ni Anne makikitang napakalawak ng loob ng kanilang bahay, may malawak itong espasyo para sa pagtulog, ginagapangan at pwedeng maging lugar ni Dahlia sa kaniyang paglalakad.

Makikita din sa likod ng kanilang bahay ang lugar palaruan at paliguan ni Dahlia. Dito rin nag-eehersisyo sina Erwan at Anne pati na rin ang paggawa na kanilang mga photoshoot.

Ang silid nila Anne at Erwan ay mayroong “big girl bed” para sa kanilang anak. Sa post ni Anne, inilarawan ni Anne kung paano matulog si Dahlia ang larawan na ito na may caption na,




“We had to add the extension to her mini cot already because she was moving so much and making circles in her sleep. Like the hands of a clock. Even when she’s sleeping she’s so active. Likot baby.”
“Reminds me of how active she was when she was still in my tummy.”

“We also changed her mobile to rainbow colours. She’s graduated from the darker shades. She looooooves colourful things now. She wakes up smiling to her new ‘bestfriends.’”

Wala man sa Pilipinas sila Anne, nag-eenjoy naman sila sa kanilang buhay sa ibang bansa lalo pa’t buo silang mag-anak na magdiriwang ng bagong taon.

error: Content is protected !!