Alfred Vargas, ibinahagi ang kanilang christmas photoshoot at handa sa noche buena na gawa ng kaniyang asawa

Tuwing pasko hindi mawawala ang iba’t-ibang mga tradisyon na nakasanayan ng iba’t-ibang pamilya. Ito ang paraan nila sa pag-gunita sa araw ng kapanganakan ni Hesus.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Ang ibang pamilya pinipili na mamigay ng regalo sa mga tao na nangangailangan, yung iba naman pumupunta sa beach upang doon magdiwang ng kapaskuhan, at meron din naman gusto na sama-sama lang sa kanilang mga tahanan.

Maliban sa mga nabanggit, hindi nawawala tuwing pasko ang family photoshoot na ginagawa ng kahit sinumang pamilya sa buong mundo.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Isa na sa mga pamilya na nagpaphotoshoot ngayong pasko ay ang pamilyang Vargas na makikita naman sa mga litrato nila ang mga matatamis at masayang ngiti na nagbibigay ng magandang pagbati sa atin ngayon pasko.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Kilala naman natin ang haligi ng tahanan ng pamilyang Vargas at ito ay walang iba kundi si Alfred Vargas na isang pulitiko at kilalang artista dahil sa taglay nitong galing sa industriya.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Matapos ang ilang taon ng aktor sa showbusiness ay nagdesisyon umano ito na tumakbo bilang isang konsehal ng Quezon City at hindi naman ito nabigo dahil nanalo ito at napaglingkuran niya ng maayos ang kanyang mga nasasakupan.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Makalaunan matapos ang kanyang termino ay tumakbo ulit siya ngunit sa mas mataas na posisyon at ito ang pagiging kongresista ng 5th distrito ng Lungsod ng Quezon.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Isa naman talagang kahanga-hanga na lakbay ang ginawa ni Alfred dahil sa bawat pagtakbo niya sa puwesto na ito ay hindi man lang siya natalo sa kadahilanan na maganda ang kanyang pamamalakad bilang lider ng lungsod ng Quezon.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Maliban sa pagiging pulitiko isa sa mga hinahanggan ng mga tao ay ang kanyang pamilya na lagi nakasuporta sa kaniya lalo na ang kaniyang asawa na si Yasmien Vargas.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Ang pagmamahalan ng mag-asawa ay nagbunga ng tatlong nag-gagandahan at nag-gwaguwapuhang mga anak na sina Alexandra Milan Vargas, Aryana Cassandra Vargas at Alfredo Cristiano Vargas IV.


Image courtesy: Alfred Vargas/Instagram

Para kay Alfred sila ang nagbibigay ng saya at inspirasyon sa mga ginagawa niya sa buhay at sila din ang dahilan kung bakit masigla ang bawat araw niya upang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *