Alex Gonzaga, mala-diyosang bride-to-be sa kanyang pinakabago lamang na photoshoot na nakasuot ng gown

Lahat ng babae nangangarap na makapaglakad sa altar suot ang pinakamagandang damit para sa pinakamahalagang araw ng kaniyang buhay, at ito ay ang araw na siya ay ikakasal.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Bago pa man tayo ikasal sa taong mahal natin, ay pareho na nating ibinabahagi sa isa’t isa ang mga ninanais natin o mga plano sa buhay bago magkaroon ng sariling pamilya.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Katulad na lamang ng kilalang magkasintahang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Matatandaan natin na noong Dec. 27, ay namasyal ang dalawa sa Hongkong kasama ang mga magulang ni Alex, at habang namamasyal ang dalawa sa garden of 1881 Heritage, na puno ng mga ilaw ng Pasko, ay naglakas loob si Morada na hilingin at tanungin si Alex na pakasalan siya, at hindi naman nabigo ang binata.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Kaya naman, sa bagong yugto ng kanilang buhay, ang dalawa ay kapwa nagsimula na ring magplano tungkol sa kanilang magiging bahay, pamilya at buhay.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Kaya naman, hindi na maitatanggi ang excitement dahil makikita ang sikat at kilalang vlogger na si Alex ay talaga namang mala-diyosa na bride-to-be model ng Joe San Antonio dahil sa mga mga bagong koleksyon nito ng mga wedding gowns.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Alex ang mga larawan kinuha sa kaniya suot ang iba’t-ibang klase ng wedding gown. Maraming mga netizens ang namangha sa magagandang wedding gown na suot ni Alex Gonzaga na lalo pang nagpaangat ng kaniyang kagandahan.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Si Catherine Cruz Gonzaga o mas kilala sa pangalang Alex Gonzaga, 32 taong gulang at isang aktres, vlogger at endorser. Siya ay kapatid ni Toni Gonzaga at isa sa mga pinakasikat na vlogger sa bansa. Ang kaniyang mga magulang ay sina Bonoy and Pinty Gonzaga.


Image courtesy: Alex Gonzaga/Instagram

Samantalang ang kaniyang fiancé na si Mikee Morada ay isang konsehal sa Lipa City, 27 pitong gulang at nagtapos sa De la Salle University, at ang pamilya ay nagmamay-ari ng isang Bangko sa kanilang lugar at ito ay ang Lipa Bank.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *