Connect with us

Entertainment

“A Father’s Love”, Ama na Sinamahan ang Anak na PWD para Kumuha ng Teacher’s Board Exam, Umani ng Paghanga sa Social Media

Napakaraming kwento ng inspirasyon tayong naririnig o nababasa sa mga social media pages, sa tuwing lalabas ang resulta ng iba’t ibang mga borad exams, lalo na sa Licensure Examination of Teachers (LET).

Marami sa mga kwentong ito, ay tungkol sa mga hirap, sakripisyo at pagpupursige ng mga taong kumuha ng nasabing pagsusulit. Kung saan ang ilan nga sa mga ito, ay nakikta natin na ibinahagi ng mga netizens sa social media, dahil sa talagang kahanga-hanga ang kwento nila, o di kaya naman ay nakakadurog ng puso ang naging buhay nila bago pa man nila napagtagumpayan ang makapasa sa nasabing board exam.




Isa sa nga sa mga halimbawa ng nakaka-antig at nakamamanghang kwento, patungkol sa pagkuha ng “board exams” ay ang ibinahaging kwento ng netizens na si Shiela May Glor, sa kanyang Facebook account. Kung saan ito, ay tungkol sa pagmamahal at pagbibigay suporta ng isang ama, sa kanyang anak.

Ayon sa naging paglalahad ni Shiela May, isa siya sa mga kumuha ng board exam ng araw na iyon, kung saan ay napansin niya ang isang matandang lalaki, na tila may hinihintay sa labas ng gusali, kung saan ginaganap ang pagsusulit ng LET.

Kwento ng dalaga, 6:30 pa lang ng umaga, ay namataan na niya ang nasabing matanda, kung saan ay nakikita niya rito, na tila napakabait nito, dahil sa bawat tao na mapapadaan sa tapat nito, ay nagagawa nitong ngitian.

Saad pa ni Shiela May, ng mga sandaling iyon, ay ramdam niya sa kanyang sarili, na kung sinoman ang taong hinihintay ng matanda sa labas ng gusali, ay todo ang pagsuporta niya para rito.

Ang pagsusulit ng LET, ay natapos na ng dalaga mga bandang 5:30 ng hapon kung saan ay paglabas niya ng silid, ay naroroon pa rin si Tatay ay matiyagang nag-aantay. Ibig sabihin lamang nito, ay buong araw talaga ang ginawang pag-aantay ng matandang lalaki sa taong inaabangan niya na lumabas sa gusali.

Dahil sa hindi pa lumalabas ang inaantay ng matanda, ay nagkaroon ng maikling pag-uusap ang dalawa, kung saan ay si Tatay mismo ang unang nagsimulang magsalita. Napag-alaman ng dalaga na ang tao palang hinihintay ni tatay, ay ang kanyang anak na lalaki. Saad pa ni Shiela May, habang kausap niya si Tatay, ay nakikita niya sa mga mata nito, ang pagiging proud nito sa kanyang anak na talaga namang nagpa-antig pa lalo sa kanya.




Kwento nga ni Tatay kay Shiela May, mula pa umano first year ang anak nito, ay hatid sundo na niya ito sa paaralan, na talaga namang mas lalo pang nagpamangha sa dalaga, ng marinig niya ito.

Narito nga ang naging kabuuan ng post ni Shiela May Glor sa kanyang Facebook;

“Post ko lang po si Tatay, na kasama naming kahapon, sa school na pinag ganapan ng borad exam (LET) namin.

6:30 am ang start ng exam kaya around 5:30 andoon na kaming lahat. Hindi ko agad napansin si Tatay sa dami ng tao at dahil na din siguro nakatuon ang atensyon ko sa parating na exam. Pero noong pagkatapos ng unang subject, nakita ko na siya na nasa tapat ng classroom. Nakaupo at naghihintay. Nginingitian niya ang bawat dumadaan. Sa isip ko, napaka-supportive naman ni Tatay.

6:30 am to 6:30 pm ang LET pero mga 5pm pa lang tapos na halos lahat sa subject specialization.
5:30 natapos na rin ako. Bale 4 na lang kami sa loob, ako, 2 babae at si Sir na naka-wheel chair.
Lumabas na ako para hintayin yung kasama ko. Nginitian ako ni Tatay kaya ngumiti rin ako sa kanya.
Bungad n’ya… “Nag eexam sa loob ang anak ko eh.” Tila proud na proud s’ya.

“Ay talaga po? Sino po ang anak niyo d’yan, Tay?

“Yun oh!” sabay turo sa bintana. Si sir pala na naka-wheel chair ang anak niya.

“Mula 1st year yan hatid sundo ko na ‘yan. Hanggang ngayon na board n’ya.”

Gusto kong maiyak. Dama ko yung sakripisyo ni Tatay at ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. Yung kaya nilang gawin ang lahat ng walang pagkapagod o pagkainip.

Isinama ko po kayo sa prayer ko, Tay. Na nawa po bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n’yo.

Di ko na nainterview pa si Tatay kasi ilang minuto lang natapos na din si Sir sa pagsagot at sinundo na s’ya ni Tatay sa loob.”

Sa naging pagbabahagi ngang ito ni Shiela May, ay nagpatunay lamang na wala talagang makakatumbas sa pagmamahal at sakripisyo na kayang ibigay ng isang magulang para sa kanyang anak. Hindi nga alintana ng mga magulang ang hirap, masuportahan lamang ang kanilang mga anak sa pagtupad ng pangarap ng mga ito.

Marami naman ang mga netizens na humanga kay Tatay, dahil sa labis na pagmamahal at suporta niya sa kanyang anak. Bumilib din ang mga netizens sa anak ni Tatay, dahil sa kabila ng kapansanan nito, ay hindi ito naging hadlang sa kanya upang tuparin ang mga pangarap niya sa buhay.




Samantala, makikita naman sa comment section, ng post na ito ni Shiela May, ang naging pag-update ng dalaga patungkol sa pagkuha ng board ng anak ni Tatay. At dito nga ay masayang sinabi ni Shiela May, na tinupad ng Diyos ang hiling ng marami para sa anak ni Tatay, dahil isa ito sa mga pinagpala na makapasa sa nasabing board exam.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens;

“God bless both of you Tatay. Nakakaproud ang kagaya mo.”

“Naiyak ako, [crying emoji] yung mga magulang na gagawin ang lahat para sa anak. na ni minsan kahit pagod na sila hindi nila pinapakita bagkus hanggat kaya nila gagawin nila hanggat malakas sila ibubuhos nila lahat ng pagmamahal para sa anak huhuhu walang magulang ang di matiis ang mga anak so proud of you tatay best tatay more blessing pa po para sa inyo.”

error: Content is protected !!