Ipinamalas ni Yohan Agoncillo ang angkin nitong talento sa pag-awit at kakayahan sa pagtugtog ng piano

Ipinamalas ng panganay na anak ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Yohan, ang angkin nitong talento sa pagtutog ng piano at sa pag-awit ng isang awitin, matapos nitong kantahin ang “Someone Like You”.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Sa isang Instagram post ni Ryan noong Huwebes, Agosto 6, ay proud nitong ibinahagi ang isang video ng anak nilang panganay ni Judy na si Yohan. Sa video ay makikita na tumutugtog si Yohan ng piano, habang maririnig naman ang napakagandang pag-awit nito sa awiting “Someone Like You”.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Ang “Someone Like You” na awitin ay kanta ng popular na English singer-songwriter na si Adele.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Matapos ang naging pagkanta ng kanilang anak, ay hindi naman napigilan ng mag-asawa na purihin ito, upang maramdaman nito kung gaano sila ka-proud sa kanya.
“Good Job! You’re on my team!” ang nasambit ni Ryan matapos nga umawit ng anak niyang si Yohan.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

“That’s my girl”, ang maririnig naman na sinabi ni Judy sa video pagkatapos ng pag-awit ng panganay na anak.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Hindi nga lamang ang kanyang mga magulang ang talagang humanga sa angking talent na ipinamalas ni Yohan, dahil maging ang mga kaibigan ng kanyang mga magulang sa industriya ng showbusiness at mga tagahanga ng mga ito ay hindi rin mapigilan ang mapahanga sa kanya.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ng mag-asawang Judy Ann at Ryan, ang humanga at pumuri sa ipinamalas na talento at galing ng anak nilang si Yohan ay sina Dingdong Dantes, Drew Arellano, Beth Tamayo, Valeen Montenegro at Frankie Pangilinan.


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Ang ibinahaging video na ito ni Ryan ng kanyang anak na si Yohan habang ito ay tumutugtog ng piano at umaawit ay umabot na umano sa halos kalahating milyon ang nakuhang views. Nakaka-proud nga naman bilang isang magulang na makita at masaksihan mo ang bawat talento at galing na tinataglay ng iyong anak, kaya naman talgang proud na proud sina Judy Ann at Ryan sa kanilang anak na si Yohan.

 


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram


Image courtesy: Ryan Agoncillo/Instagram

Maliban nga sa anak nilang si Yohan, ay may dalawa pang mga anak ang mag-asawa, at ito nga ay anak nilang si Lucio na naging agaw-pansin rin noon sa social media dahil sa kapogi-an nito, at ang bunsong anak naman nila ay si Luna.

Watch the full video Here: Yohan Agoncillo Singing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *