Connect with us

Lifestyle

40-Taong Gulang na Nanay na May Baby Face na Mukha at Taglay pa Rin ang Kaseksihan Madalas Mapagkamalan na Girlfriend ng Kanyang Binatang Anak

Isang mommy ang agaw-pansin at pinag-usapan online, dahil sa kabila ng pagkakaroon na nito ng anak, ay talaga namang mukha pa rin itong dalaga, sa taglay niyang kaseksihan at baby face na mukha. Kaya naman marami sa mga netizens ang napapagkamalan itong kasintahan ng kanyang binatang anak.




Ang mommy ngang ito ay 40-taong gulang na, at ito ay ang ina ng 22-taong gulang na binata na kinilalang si Jonathan Nguyen.

Ayon sa ulat, madalas na napagkakamalan ang ina ni Jonathan Nguyen na girlfriend nito, ito nga ay dahil sa pagkakaroon nito ng napakabatang mukha, at napaka-fit na pangangatawan na tulad ng isang dalaga.

Sa naging pagbabahagi nga ng binata, sa larawan nila ng kanyang ina online, kung saan ay nilakipan niya ito ng caption na “Meet my mom and my bestfried”, ay marami ang talagang namangha, dahil sa hindi aakalaing mag-ina ang dalawa, kundi magkapatid o kaya naman ay magkasintahan dahil sa ganda at pagiging fit ng kanyang ina.

Nang mag-viral nga ang larawan na ito, ay marami sa mga nakakita nito ang napa-isip kung ano ang sikreto ng ina ni Jonathan Nguyen, sa pagpapanatili ng kagandahan at kaseksihan nito sa kabila ng kanyang edad at pagkakaroon ng anak.

Ito naman ay agad nabigyan ng sagot, kung saan ay sinabi na “proper diet at exercise” lamang ang sikreto at kinakailangang upang ma-achieve ang pagiging fit at maganda sa kabila ng pagiging isa ng mommy.




Sadya nga namang nakakabilib ang mommy na ito ng binata, dahil sa talagang hindi mo mahahalata sa mukha at katawan nito, na ito ay 40-taong gulang na kaya naman marami talaga sa mga taong nakakakita sa larawan nilang mag-ina, ang hindi makapaniwala na siya ay ina ng binata, at ito ay kanyang anak.

Tunay nga naman na disiplina sa katawan at sarili ang ating kinakailangan upang ang ma-achieve ng bawat isa sa atin ang “young-look at fit body” na tulad ng sa ina ni Jonathan.

Kaya naman sa mga mommy diyan na gustong manumbalik ang kagandahan at kaseksihan, alam niyo na ang sikreto at dapat niyong gawin.

error: Content is protected !!