Connect with us

Entertainment

3 Taong Gulang na anak ni Pauleen Luna na si Baby Tali Kabisado ang Watawat ng iba’t ibang Bansa

Hindi na kaila sa atin ang masayang pagsasama nila Vic Sotto at Pauleen Luna bilang mag-asawa.




Simula sa kanilang naging relasyon hanggang sa kanilang pagpapakasal ay bukas ito sa publiko. Hanggang sila ay nabiyayaan ng anak na napaka-bibo at matalinong bata.

Siya ay si Baby Talitha Maria siya ay ipinanganak noong November 6, 2017. Siya ay napaka-cute at nakakaaliw na bata. Dahil sa kaniyang angking talino maraming mga netizens ang napahanga sa kanya.

Nagpost si Pauleen sa kaniyang Instagram, kung saan mapapanood rito ang nakakaaliw na video ni Tali. Sa video na ito, ibinahagi ni Pauleen ang pagiging matalino ng kaniyang anak.

Dahil kabisado lang naman ni Baby Tali ang iba’t ibang watawat ng iba’t ibang bansa mula sa mga flashcards na hawak na ipinapakita ng kaniyang mommy. Si Baby Tali ay 3 taong gulang lamang, hindi aakalain na sa kaniyang murang edad mabilis niyang natatandaan ang mga larawan at ang mga pangalan ito.

Ayon kay Pauleen, hinahayaan niya muna na makabisado lahat iyon ni Baby Tali.




Ang nakakamangha kay Baby Tali ay ang kagalingan niya sa pag-memorize na sa kaniyang edad ay medyo mahirap pang gawin.

Ito ang nakakaaliw na katalinuhan ni Baby Tali ang nagpamahanga sa maraming netizens. Kagaya na lamang ng mga komentong ito.

“Napakatalino ni Tali.”

“Nice one tali.. Very smart little angel”

“Super Galing naman ng baby princess”

“Very good Tali. Galing galing naman.”

“Ang smart naman ni Tali, good job cutie girl”

“Very good Tali ang galing mo talaga. ang bait mo talaga baby”

“Ang saya kong pill. Galing naman ni Tali. More videos pa po Ate Pauleen.”

Hindi lang ito ang kayang gawin ni Baby Tali, kaya rin niyang kabisaduhin ang mga kwentong pambata kagaya ng “The Hungry Caterpillar” habang kinukwento niya ito sa kaniyang mommy Pauleen. Magaling rin si Baby Tali sa pagkanta niya ng “Old MacDonald Had a Farm” sa isang video post ni Pauleen. Marunong din si Baby Tali sa “sign language alphabet”.




Ang katalihuhan ni Baby Tali ay hindi niya lang basta sa kaniyang mga magulang. Dulot na rin ito ng matiyagang pagtuturo sa kaniya ni Pauleen. Ito ang kanilang nagiging hobby mag-ina, dahil talagang napaka hands-on mommmy si Pauleen.

error: Content is protected !!