Stories
2,000 pesos na Puhunan, Napalago ng 2 Milyong Piso ng Nakakamanghanag Mag- sawang Ito

Sa pagnenegosyo kinakailangan ang pagsisikap at pagiging matiyaga. Anumang pagsubok sa paghahanapbuhay ay hindi dapat sinusukuan. Hindi magkakaroon ng kaginhawaan sa lahat ng bagay kung basta-basta lang susuko sa bawat pagsubok. Lahat ng bagay ay nagsisimula sa maliit na halaga, nagiging malaki lamang ito kung pinagsisikapang paluguin.
May mag-asawang ibinahagi ang kanilang pag-asenso na nagsimula lamang sa maliit na halaga. Ayon sa kanila, nagsimula ang kanilang negosyo mula sa kapital na Php2,000 lamang at ito ay kanila pang hiniram mula sa ama ng asawang babae. Ang mag-asawa ay nagsimula lamang mula sa pagbebenta ng mga iba’t ibang bagay at mga ready to wear na mga garments.
Noong una, naglalako lamang sila ng kanilang mga ibinibenta gamit ang kanilang sasakyan na motorsiklo. Maulan man o maaraw ang panahon hindi sila tumitigil sa paglalako ng kanilang mga paninda. Dahil sa kanilang determinasyon nabuo ang pangarap nilang magkaroon ng sariling kotse upang mas maayos ang paglalagyan ng kanilang mga paninda kapag sila ay bibili ng kanilang mga produkto.
Ang sobrang pagbibigay nila ng atensiyon sa kanilang pagnenegosyo ay dulot din sa kanila ng masamang pangyayari dahil nawala ang kanilang anak na ipinagbubuntis pa lamang ng mga panahon na iyon. Ang pangyayaring iyon ang nag pagbago ng kanilang gawi sa pagnenegosyo. Kaya noong 2018, mula sa mga ready to wear na garments na nilalako lang nila ay nagbenta na lamang sila ng mga cellphone.
Dahil nga sa mabenta ang cellphone nakaipon sila ng sapat na halaga upang magkaroon ng sarili nilang puwesto. Sa pagdaan ng panahon, ang kanilang negosyo ay unti-unting lumago dahil nakakarami sila ng mga naibebentang cellphone.
Ngunit kagaya ng ibang mag-asawa ginusto rin nilang magkaroon ng anak kaya pinag planuhan muna nila na ang asawang babae ay tumigil muna sa pagtatrabaho upang magkaroon sila ng anak.
Nagkaroon man ng pandemiya, mas nagbigay ito ng pagkakataon upang mas lumago ang kanilang negosyo. Dahil mas dumami ang mga gumagamit ng cellphone dahil sa mga online classes ngayon. Mas naging in-demand ang mga smartphone at tablet sa mga kabataan ngayon dahil nga sa distancing learning ng edukasyon ngayon.
Kaya ang mag-asawa ay nakakabenta ng daan-daang mga cellphone sa isang araw lamang. Kaya ang kanilang kapital na Php2,000 sa una nilang negosyo ay naging milyones na ngayon. Dahil dito nakabili na sila ng bagong kotse na pagmamay-ari nila at pati ang kanilang ama ay nabahaginan na rin nila ng halagang Php700,000 bilang kapalit sa Php2,000 na pinahiram nito sa kanila.
Ayon pa sa mag-asawa, nakabili na rin sila ng isa pa nilang sariling lupa.
Sa kabila ng pandemiya ngayon, may mga tao man na nawalan ng trabaho may mga tao pa rin na kailanman ay hindi sumusuko upang sila lamang ay mabuhay. Ang mag-asawang ito ay isang inspirasyon lalo na sa mga taong nahihirapang ibangon muli ang kanilang hanapbuhay.
