Ang aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla ay kilala na rin ngayon bilang isang vlogger kung saan tampok ang kanyang mga kapana-panabik na adventure sa magagandang lugar sa bansa. Isa rin sa naitampok na sa vlog ni Zsa Zsa, ay ang napakaganda at napakalawak na 2 ektaryang farm na matatagpuan sa Lucban, Quezon na tinawag na Casa Esperanza na naipundar nila ng kanyang partner na si Conrad Onglao.
At sa pagkakataon ngang ito, ay masayang bumisita ang anak ni Zsa Zsa na si Karylle at asawa nitong si Yael Yuson sa nasabing napakagandang farm. Matatandaan naman na ipinaayos nina Zsa Zsa ang Casa Esperanza na nagsisilbing rest house. Ngunit, mas lalo pa nila itong pinaganda upang masilayan hindi lamang ng kanilang pamilya kundi pati na rin ng ibang tao na nais bumisita at pumasyal rito.
Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube
Sa unang bahagi ng video, mapapanood ang masayang pagdating ng mag-asawang Karylle at Yael na talaga namang namangha sa ganda ng kapaligirang masisilayan sa farm. Nagkaroon naman ng masaganang salo-salo ang mag-asawa kasama si Conrad at Zsa Zsa. At ilan sa kanilang masarap na pagkaing nakahain sa hapag ay Pancit Lucban, Lucban Longganisa, ginataang hipon at marami pang iba.
Nagkaroon rin ng masayang pamamasyal ang mag-asawang Karylle at Yael. At makikita na talagang nag-enjoy ang mga ito sa panandaliang paglilibot sa napakagandang farm.
Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube
Samantala, mapapanood rin sa vlog ni Zsa Zsa ang kanyang pagluluto ng mga masasarap na putahe katulad na lamang ng lumpiang labong at nilupak. Gumawa rin ang singer-actress ng pandan tea na ang mga sangkap ay kinuha niya mismo sa kanilang farm.
Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube
Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube
Photo credits: Zhazha Padilla | Youtube
Masaya ring ibinahagi ni Zsa Zsa sa kanyang vlog, ang mga masisipag at ulirang magsasaka na abala sa pag-aani ng palay sa kanilang farm. Binigyang pugay ni Zsa Zsa, ang kasipagan ng mga ito upang mabigyan ng sapat na pagkain sa kanilang hapag ang bawat pamilyang Pilipino.
“So this episode is about harvest. Kaya ngayon talaga sobra kong na-appreciate ‘yung paghihirap ng ating mga farmers. Hindi lamang ‘yung mga halamang tinatanim nila kundi pati ‘yung mga hayop na inaalagaan nila para naman mapakain hindi lang tayo kundi ang buong mundo. We are grateful to all the farmers and lahat nang nagtatiyaga, nagsisikap at ginagawa lahat ng makakayanan nila para magkaroon tayo ng makakain.”