Nito lamang nakaraan, ika-7 ng Nobyembre, araw ng Sabado, ay nagdiwang ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto ng kanilang ika-9 taong anibersaryo, kung saan ang araw na ito, 9-taon na ang nakakalipas ay ang unang araw na sila ay naging magkasintahan.
Makikita ang naging pagbabahagi ng actress-host na si Pauleen sa kanyang Instagram ng kanyang mensahe, na nagsasabing hanggang ngayon, ay hindi pa rin siya makapaniwala, na halos mag-iisang dekada na pala silang magkasama sa buhay ng kanyang asawa na ngayon na si Vic Sotto.
Photo credits: Pauleen Luna | Instagram
Sa mensahe rin na ito ng Eat Bulaga host, ay nagpa-abot siya ng pasasalamat para sa kanyang asawa, dahil sa naging pagmamahal nito sa kanya.
“The most eventful decade of my life and definitely the happiest as well. Your first phone call to me seems like it was just yesterday.”
“And for that, I am forever grateful to the Lord for making you my husband. I love you so much @mzet28. Happy 9th Anniversary”, saad ni Pauleen sa kanyang Istagram post.
Samantala, hindi na nga lingid nsa kaalaman ng publiko na ang mag-asawang Pauleen at Vic at mayroong 35-taong pagitan sa kanilang mga edad, ngunit sa kabila nito ay talaga namang masasabi natin na ang relasyon na mayroon sila ay napakatatag, at puno ng pagmamahal.
Matatandaan na noon lamang buwan ng Sityembre taon ng kasalukuyan, ng ibahagi ni Pauleen, kung ano ang sikreto nilang mag-asawa sa matatag nilang relasyon, sa kabila ng napakalaking agwat ng edad nila sa isa’t isa.
“My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship, but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.”
……….”Respect plays a big role in any realationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy.”
Ayon nga kay Pauleen, para sa kanya, ang pinaka naging sikreto ng kanilang matatag na relasyong mag-asawa, ang ang respeto na ibinibigay nila sa isa’t isa, lalo na ang respeto sa kanya ni Vic. Bawat nagiging desisyon niya umano, ay nirerespeto ng kanyang asawa, at kahit minsan ay hindi siya nito nagawang pagtaasan ng boses, at hindi nito ipinaramdam sa kanya na mas bata siya rito kaya naman talagang sa kanilang pagsasama ay naramdaman niya ang pagiging “equal” nilang dalawa, at ang halaga niya sa buhay nito.
Ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, ay ikinasal noong buwan ng Pebrero taong 2016 sa Saint James The Great Parish Church sa Alabang.
Photo credits: google.com
Mayroon na ring anak ang mag-asawa, at ito ay si Baby Tali, na nagdiwang ng ika-3 kaarawan nito, noong nakaraang Biyernes, ika-6 ng Nobyembre 2020.