Entertainment
“You have been feeding our Nation”, ang Mensahe ng Pasasalamat at Pagpapakita ng Suporta ni Sen. Manny Pacquiao sa Ating mga Magsasakang Pilipino

Isa ang Senador at Boxing Legend na si Sen. Manny Pacquiao sa talaga namang nagpakita ng suporta sa ating mga Pilipinong magsasaka.
Kamakailan nga lamang ay pinag-usapan si Manny Pacquaio dahil sa kanyang ipinapakitang pagsuporta sa ating mga local farmers, na talaga namang tila nagiging kawawa ngayon sa lipunan dahil sa kabila ng kanilang hirap sa nagiging pagtanim nila ng palay, ay sa napakamurang halaga lamang ito binibili at pwedeng ibenta.
Photo credits: Manny Pacquiao | Instagram
Sa social media account nga ni Sen. Manny Pacquiao ay makikita ang naging pagbabahagi nito ng kanyang mga larawan na kuha sa kanyang naging pagbisita sa ating mga Pilipinong magsasaka upang tingnan ang kalagayan ng mga ito.
Ayon nga sa boxing legend at Senator na si Manny Pacquiao ay ramdam niya ang sakrpisyo ng ating mga magsasakang Pilipino, mula noon hanggang ngayon.
Kaya naman kanyang ipinahatid sa mga magsasakang Pilipino, na sisikapin niya na maipahatid sa ating gobyerno ang kanilang mga hinaing, panganga-ilangan at kapakanan. At sinabi niya rin na patuloy siyang susuporta sa mga ito.
Narito nga ang naging mensahe ni Sen. Manny para sa ating mga magsasaka;
“We will listen to your sentiments and we will make sure that you will benefit from the services of our government. I will continue to support you. God bless us all.”
View this post on Instagram
Samantala, matatandaan na kamakailan lamang ay nagpasa ng resolusyon ang senador upang mapaimbestigahan ang RCEF o P10-B Rice Competitiveness Enhancement Fund ng Departamento ng Agrikultura (DA).
Nagkomento na rin si Senador Manny Pacquiao sa nararanasang hirap at pagsubok ng mga magsasakang Pilipino ngayon, kung saan ay talaga namang napakababa na ng bentahan ng mga nagiging ani ng mga magsasakang Pilipino, at tila hindi nabibigyang pansin ng mga tao ang kanilang hirap at sakripisyo sa pagtatanim ng palay.
“When the measure was presented and explained to me, I was assured that our farmers will not be left behind. Pero kung papakinggan mo ang ating mga magsasaka, talagang halos umiiyak na sila dahil sa baba ng bentahan ng palay”, ang naging pahayag nga ng senador.
Marami naamng netizens ang natuwa sa naging pagsuporta ni Sen. Manny Pacquiao sa ating mga magsasakang Pilipino.
Hiling naman ng napakarami nating mga magsasaka na nawa’y pakinggang ng gobyerno ang kanilang hinaing patungkol sa mababang bentahan ng palay na kanilang pinaghihirapang itanim.
Batid naman natin na ang ating mga magsasaka, ang isa sa mga dapat nating pasalamatan kung bakit mayroon tayong masarp na kanin sa ating hapag, sa araw-araw.
