Connect with us

Entertainment

“You are our Universe”, Mensahe ni Mariel Padilla sa Panganay na Anak na si Isabella sa Pagdiriwang Nito ng Ika-4 taong Kaarawan

Ika-14 ng Nobyembre taong 2016, ng isilang ni Mariel Rodriguez – Padilla, ang panganay nilang anak ng kanyang asawang si RobinPadilla, na si Isabella. At dahil sa panganay na anak, ito ng mag-asawa, ay talaga namang espesyal si Isabella, para sa kanyang mga magulang at mahal na mahal siya ng mga ito.




Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-4 taong gulang ni Isabella, ay isang masayang birthday party ang inihanda ng kanyang mga magulang para sa kanya, kung saan ito ay ginanap noong ika-15 ng Nobyembre, sa loob lamang ng kanilang tahanan, na dinaluhan lamang ng kani-kanilang malalapit na kapamilya.

Isang planet-themed na may virtual photo shoot ang makikita sa naging selebrasyon ng ika-4 na kaaarawan ni Isabella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Samantala, sa naging pagdiriwang na ito ng ika-4 taong kaarawan ni Isabella, ay hindi naman napigilan ng mommy nito na si Mariel Padilla, na maging emosyonal, ng batiin ang kanyang anak sa kaarawan nito.

“I get teary eyed just thinking about it, you are 4 years old!!! My first born!!! Oh how you have grown, your interest amaze me, your characters blows me away and everything you do makes me so proud to be your mom. I purchased a Frozen II themed party long time ago but now it’s all about planets for you so naturally mom change it all hahaha The whole day planets planets planets .. you are our universe @mariaisabellapadilla don’t grow up too fast… The day I am no longer your sun is the day I die, I swear!!! So let me enjoy this time just a little bit more. Big Bih thanks to those who made today possible.”

Photo credits: Marielle Rodriguez | Instagram

Makikita nga sa tema ng naging selebresayon ng kaarawan ni Isabella, na ang mga disenyo at dekorasyon nito ay puro mga planeta dahil ito ay isang space themed celebration, kung saan ayon kay Mariel ito na kasi ngayon ang bagay na pinagkaka-interesan ng anak na si Isabella.




Matatandaan na noon ay madalas na mga Disney princess ang nagiging tema ng kaarawan ni Isabella, ngunit dahil sa iba na ang interes nito ngayon, ay ito ang pinagbasehan nina Mariel at Robin para maging tema sa kaarawan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Ang mag-asawang Mariel at Robin Padilla, ay nagkakakilala sa set ng programang Wowowee noon ni Willie Revillame, at ikinasal naman sila ay noong taong 2010. Matatandaan din na dalawang beses nagkaroon ng “miscarriage” si Mariel, bago ang naging pagsilang nila sa panganay nilang si Isabella noon ngang taong 2016.

Sa ngayon ay dalawa na ang anak ng mag-asawa, matapos magsilang muli ni Mariel ng isang baby girl taong 2019, sa Amerika, at ito nga ay ang kanilang bunsong anak na si Gabriella.

error: Content is protected !!