Willie Revillame, Personal na Nag-Piloto ng Kanyang Helicopter Patungong Catanduanes Upang I-abot ang Kanyang Tulong sa Mga Nasalanta ng Bagyo

Isa sa mga probinsya na pinaka na apektuhan ng bagyong Rolly ay ang probinsiya ng Catanduanes, kung saan ay ilan sa ating mga kababayan ang talaga namang nakakaranas ng gutom ngayon at ang iba pa nga ay wala ng matirhan dahil sa ang kanilang tahanan ay nawasak na ng bagyo.

Nag-abot naman ng tulong ang TV host, negosyante at philantropist na si Willie Revillame para sa mga residente ng Cantanduanes na nasalanta ng bagyo.

Mismong si Willie nga ang nagpiloto sa kanyang helicopter upang pumunta sa probinsiya ng Catanduanes, upang doon ay personal din niyang maiabot sa ating mga kababayan sa nasabing probinsya ang tulong niya para sa mga ito, kung saan ito ay kanyang kinumpirma sa naging ulat ng 24-oras.




Ang pagbisitang ito ng TV host, ay kanyang ginawa, kasunod ng paghingi ng tulong ng isa sa mga residente doon. Saad ni Willie, hindi umano alam ng residente kung paani makakapag-umpisa dahil sa nasira ng bagyo ang kanilang tahanan at kabuhayan. Ang residente ngang ito ay kinilalang si Elizabeth Espanol.

Pagdating ni Willie sa nasabing probinsiya, ay agad siyang sinalubong ng mga residente ng Gigmoto, Catanduanes.

Ayon naman sa alkalde ng nasabing bayan, na si Vicente Tayam Jr., nagbigay ng P5-milyong piso si Willie Revillame para sa Catanduanes, kung saan ng P2-milyon nito ay mapupunta sa kanilang munisipalidad.
Maliban pa nga sa pinansiyal na tulong na iniabot ng TV Host para sa mga Catanduanes, ay nagdala rin ito ng mga relief goods at jackets na kanyang ipinamahagi sa mga tao doon.

Photo credits: google.com

Pinuntahan rin ni Willie ang residenteng si Elizabeth Espanol, na personal na humingi ng tulong sa kanya sa telebisyon.

Photo credits: google.com

Dahil sa dami ng tao na nais masilayan at makahingi ng tulong kay Willie, ay nahirapan ang mga autoridad na kontrolin ang mga ito, kaya naman ang TV host ay dinala na lamang ng mga autoridad sa munisipyo, at doon nga nito kinausap si Espanol, upang masigurado ang kaligtasan nito.

Photo credits: google.com

“Hindi ko inaasahan na ganito ang pagsalubong niyo sa akin, si nanay (Elizabeth) napanood ko sa 24-oras sabi ko ‘hindi naman pwedeng matutulog ako na may nakikiusap na tulungan kayo”,

ang naging saad ni Willie, para sa naging mainit na pagsalubong sa kanya ng mga taga catanduanes.

Photo credits: google.com

Samanatala, 100,000 naman ang pinansiyal na tulong na ibinigay ni Willie Revillame kay Espanol, dahil ito umano ang dahilan kung bakit siya pumunta ng Catanduanes at ito rin ang naging daan upang maabutan niya ng tulong ang mga residente ng nasabing bayan.




Nagbigay pag-asa naman para sa mga taga-Gigmoto, ang naging pagbisita sa kanila ng TV host na si Willie Revillame.

Photo credits: google.com

Si Willie Revillame, ay isa sa mga personalidad sa showbiz, na talaga namang hinahangaan at iniidolo ng marami dahil sa dami ng taong natulungan nito, lalo na ang mga mahihirap.

24 Oras: Willie Revillame ng Wowowin, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly