Minsan sa buhay natin, ay nakakalimot tayo sa Diyos dahil sa tagumpay at marangyang buhay na ating tinatamasa. May ilan nga na, nagagawa pang sambahin ang pera kaysa sa Diyos.
Ganito nga ang nangyari sa batikang aktres na si Rossana Roces noong kasagsagan ng kanyang kasikatan sa showbiz.
“Wala akong Diyos dati! Ang Diyos ko, pera!”, ito ang naging rebelasyon ng aktres sa naging panayam sa presscon ng bago niyang proyektong “Anak ng Macho Dancer” kung saan gaganap siya bilang ina ng bidang si Sean de Guzman.
Pagbabahagi nga ni Osang, ay mas binigyang pansin umano niya noon ang pera kaysa sa Diyos. Ngunit, noong bahagi siya ng teleseryeng “Natutulog Ba Ang Diyos” ay nagbalik loob umano siya sa Diyos pero hindi naman nagtagal at muli siyang nag-backslide.
Photo credits: google.com
“Pero noong Natutulog Ba Ang Diyos (TV series), that time, nagbalik-loob na rin ako sa Diyos, di ba? Pero naagaw din uli ako ng… nag-backslide agad ako. Nagtampisaw na naman ako sa kasalanan.”
At sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya na kung saan ay talagang isang matinding pagsubok na kinakaharap ng lahat, ay muli umanong nasubok ang pananampalataya ni Osang sa Diyos at muli siya nagbalik-loob sa Diyos.
“Ngayong pandemic, medyo… Magkakaroon ka nang personal na ugnayan sa Diyos, sa ayaw at sa gusto mo.”
Photo credits: google.com
Sa huli nga, ay nangingibabaw pa rin kay Osang ang pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng pagsubok. Bagay na makakatulong sa kanya upang maging mas matatag pa sa mga susunod na pagsubok na kakaharapin sa kanyang buhay.
Samantala, naibahagi rin ng batikang aktres na marami siyang nakaaway at pinasakit ang ulo sa showbiz noon dahil sa kanyang pag-uugali. At ngayon nga, ay nais niyang makipag-ayos at bumawi sa mga ito sa mga pagkakamaling kanyang nagawa.
“Naku, marami sila. Karamihan production. Ang dami kong inaway di ba? Kung may award nga ng pinakamaraming inaway sa showbiz ako yon. Hahaha!”
Maging ang nagawa niyang kasalanan sa ABS-CBN noon ay nagawa na raw niya maitama. Ito nga ang pagsunod sa patakaran at tungkulin nila sa tuwing may taping na kahit may sakit umano ay kinakailangang pumasok. Ngunit, ang ginagawa raw ni Osang noon ay hindi pumapasok kapag may taping.
Photo credits: google.com
“Hindi ko yon nauunawaan dati. Ang sa akin pag may sakit ako hindi ako papasok. So ang ginawa ko dahil nga si RSB (Direk Ruel S. Bayani) yung nagbigay sa akin ng chance sa mga teleserye sa ABS-CBN.”
Ayon naman kay Osang, ang ibinigay na pagkakataon sa kanya ngayon na magkaroon ng bagong proyekto ay hindi niya sasayangin.
“So itong mga bagong projects na dumarating kaya ako kinukuha kasi sabi ni RSB, ‘Okey na ‘to, eh.’ So hindi ako puwedeng magloko din dito kasi ipapahiya ko si RSB, di ba?”
Photo credits: google.com
Samantala, pagbabahagi naman ni Osang, ay babawi siya kay Direk Joel Lamangan, na director ng bago niyang proyekto na “Anak ng Macho Dancer.” Ito nga ay dahil, pinasakit umano niya ang ulo ng director noon kaya naman doble umano ang gagawin niyang effort ngayon upang matuwa sa kanya si Direk Joel.