Vlogger na si Mimiyuuuh, Ipinasilip ang Isa sa Kanyang mga “Dream Come True”, Ito ay Ang Bagong Bahay na Kanya ng Nabili Para sa Kanyang Pamilya

Kapag ang isang bagay na iyong nakamit sa iyong buhay, dahil sa iyong pagsusumikap, ay talaga namang napakasarap sa pakiramdam na ibahagi ito sa ibang tao. Ito ay upang magsilbi rin itong inspirasyon sa kanila at magbigay rin ng pag-asa, na ang pangarap nila ay posible talagang matupad kung ito’y pagsusumikapan at pagtatrabahuan.

Katulad na lamang nga ng kwento ng katuparan ng pangarap ng sikat na vlogger na si Mimiyuuh. Kung saan ay talaga namang “dream come true” para sa kanya, ang makabili ng isang maganda, maayos at may kalakihang bahay rin na para sa kanyang pamilya.




At dahil sa hindi magiging posible ang katuparan ng pangarap niyang ito kung hindi dahil sa kanyang mga “subscribers” at tagahanga, ay hindi nagdalawang isip si Mimiyuuh na ipasilip ang kanyang bagong tahanan sa mga ito.

Kamakailan nga lamang, ay ibinahagi ng vlogger na si Mimiyuuh sa kanyang YouTube channel ang kanyang video house tour sa kanilang bagong bahay, kung saan ay bawat bahagi nito ay kanyang ipinasilip.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Ayon nga kay Mimiyuuh, noong hindi niya pa nabibili ang bahay na ito, at kanyang tinitignan pa lamang, ay talaga namang pagpasok niya pa lang dito ay naramdaman na niya yung tila tinatawag na “feel at home”.

“Pagkapasok ko po talaga sa bahay na ‘to, sobrang na-feel ko ‘yung home”, saad nga ni Mmiyuuh.

Kwento pa nga ni Mimiyuuh, noong ma-feel niya ang home vibe sa bahay, ay talaga namang hindi na siya tumingin at naghanap pa ng iba. At isa pa nga sa mga naging dahilan kung bakit niya binili ang napili ang naturang bahay, ay dahil sa nagustuhan at super happy na rin ng kanyang inay at itay ng makita ang naturang bahay.




“Parang ‘yung bahay na’to hindi siya ganun kalaki, pero.. Basta pag ne-feel mo ‘yung home vibe, ‘yun na po talaga so hindi na po kami naghanap. Ito na po ang pinili namin, kasi super happy din po nila inay dito tsaka tatay”, dagdag pa nga ni Mimiyuuh.

Inilibot nga ni Mimiyuuh ang kanyang mga tagahanga sa kanilang bagong bahay, kung saan ito nga ay dalawang palapag, at mayroong swimming pool.

Masaya ngang nilibot ng vlogger na si Mimiyuuh ang bahay, simula sa unang palapag nito kung saan makikita ang garage,kitchen, dining area, living area, pantry, powder room, pool area, at ang master’s bedroom na may sariling CR, kung saan ito umano ang kanyang magiging kwarto dahil sa napakaganda ng tanawin mula rito, dahil sa tanaw ang pool.

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Photo credits: mimiyuuuh | Youtube

Umakyat rin si Mimiyuuh sa ikalawang palapag ng bahay, at ipinakita niya na hindi pa tapos ang hagdan patungo ikalawang palapag, at ayon nga sa kanya, ay plano niyang gawing glass ang harang nito, upang mas maging maganda tingnan.

Sa ikalawang palapag ng bahay, ay ipinakita ni Mimiyuuh na mayroon doong tatlong silid, ang dalawa ay para sa kanyang mga kapatid, at ang isang silid naman ay para sa kanyang inay at itay.

Ayon nga kay Mimiyuuh, ay talagang masaya siya sa bago nilang bahay, dahil noon sa dati nilang bahay, ay nagsasama silang magkakapatid sa isang silid-tulugan, ngunit ngayon ay mayroon na nga silang kanya-kanyang mga silid.

Samantala, bago naman tinapos ni Mimiyuuh ang kanyang house tour, ay hindi nito nakalimutang pasalamatan ang lahat ng kanyang mga subscribers at followers, kung saan inamin niya na ang mga ito ang dahilan kung bakit niya natupad ang mga pinapangarap niya sa kanyang buhay.




“Gusto ko lang din pong mag-thank you sa inyo kasi kung ‘di naman po kayo nanonood ng aking mga video, eh siyempre hindi ko rin naman ito mabibili”, ang naging pasasalamat nga ni Mimiyuuh.

Si Mimiyuuh o sa tunay na buhay ay si Jeremy Sancebuche ay isa sa mga sikat na vlogger ngayon, kung saan ay napakarami ngang mga online users ang talaga namang kinagigiliwan ang kanyang mga video, kaya naman umabot na ang sa halos 3 milyon ang kanyang mga subscribers sa YouTube.

Ilang mga malalaking bituin na rin sa showbiz ang kanyang nakasama sa kanyang vlog, kabilang na nga sa mga ito sina Bea Alonzo, Heart Evangelista, at Pia Wurtzbach.

Sa ngayon, ay umabot na sa halos 1,300,000 ang nanoood ng video house tour ni Mimiyuuhh.

EMPTY HOUSE TOUR NI MIMIYUUUH! (DREAM COME TRUE!)