Stories
Viral Story ng Anak ng Mananahi na Nagtop 1 sa 2020 Physician Board Exam at Top 1 rin sa Nursing Board Exam Inamin na Muntik na Siyang Sumuko

Sino nga ba ang hindi hahanga sa taglay na talino ng mga board passers? Ang makapasok nga sa Top 10, ay talagang kahanga-hanga na, ngunit paano pa kaya kung Top 1 na, at hindi lamang isang beses kundi dalawang beses na nakuha ang ranking na Top 1?
Tunay nga na hahangaan at kabibiliban ang angking talino ng topnotcher ngayong taon sa Physician Licensure Examinations. Siya lang naman si Jomel Garcia Lapides na hindi lamang isa, kundi dalawang beses ng naging topnotcher. Ito nga ay dahil siya ang Top 1 sa 2020 Physician Board Exams at Top 1 rin sa Nursing Board Exams Noong 2011.
Nito lamang ika-26 ng Nobyembre nang ilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang official result para sa 2020 Physician Licensure Examinations. Ang bilang nga na 3,538 out of 4,704 na examiners sa buong bansa ang siyang matagumpay na natupad ang kanilang pangarap matapos maipasa ang board exam.
Sa nasabing 3,538, isang mapalad na doctor ang nanguna sa lahat, siya si Jomel Garcia Lapides na nagmula sa University of the Philippines – Manila. Pinahanga ni Dr. Jomel ang publiko matapos niyang magkamit ng rating na 88.67 percent, dahilan upang siya’y maging topnotcher.
Hindi naman ito ang unang pagkakataong ipinamalas ni Dr. Jomel ang kanyang talino, dahil noong 2011 ay siya rin ang topnotcher sa Nursing Licensure Examination kung saan nagkamit naman siya ng rating na 88.40 percent.
LAPIDES / NOVEMBER 26, 2020
Jomel Lapides
Photo from Mu Sigma Phi Fraternity
Samantala, hindi naging madali ang pinagdaanan ni Dr. Jomel sa pag-abot ng kanyang pangarap. Bilang isang anak ng mananahi at housewife, ay talagang nagsumikap siya upang tuparin ang kanyang pangarap. Naging isa siyang working student bilang staff nurse sa Sentro Oftalmologico Jose Rizal (SOJR) sa Philippine General Hospital.
At sa tulong nga ng kanyang sipag, tiyaga at matinding dasal na may malaking pagtitiwala sa Diyos ay nagawa niyang isakatuparan ang kanyang pangarap. Ngayon nga, ay kilala na siya ng lahat bilang si Jomel Garcia Lapides, RN, MD.
Hindi naman maitago ang labis na paghanga ng mga netizens sa tagumpay na nakamit ni Dr. Jomel at nagbigay ang mga ito ng komento.
“JOMEL GARCIA LAPIDES has this habit of TOPPING THE BOARDS. 2011 NLE TOP 1. Now, 2020 PLE TOP 1!!! What’s next???”
“Congratulations, Jomel Garcia Lapides, RN, MD! You have made it again to the #1 spot! From NLE TO PLE! 🎉 No pandemic can stop you from pushing yourself to become a doctor the country needs! You are an inspiration that we will always look up to!”
Ang pagkuha ni Lapides ng Medicine ay hindi naging madali, dahil nagtratrabaho din sya bilang Nurse sa Philippine General Hospital sa Manila habang nag aaral ng medicine, kaya kailangan nyang tiisin na laging walang tulog.
“Meron pong times na parang sobrang nakakapagod na po…Amazingly, after a night’s rest, nagkaroon lang ako ng one day off…okay na, kaya na ulit,” Saad ni Lapides.
Ayon kay Jomel ang pagabot sa kanyang pangarap na maging isang doktor ay hindi naging madali dahil sya ay breadwinner ng pamilya at anak ng mananahi samantalang ang kanyang ina ay housewive, kaya kailangan nyang sustentohan ang sarili niyang pag-aaral sa med school. Inamin nya din na muntik na siyang mag give up dahil sa sobrang hirap pero sa huli inilaban nya at nakamit ang kanyang pangarap.
