Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na talaga namang patok ang patimpalak sa pagandahan, kaya naman halos lahat ng bayan o mga lungsod sa bansa, ay nagdiriwang ng iba’t ibang beauty pageant lalo na kung nagdiriwang ng kapistahan.
Dahil rin sa kilala ang mga Pinay na taglay ang natural na kagandahan, ay talaga namang hindi na bago sa nakararami kapag napabalitang isang Pinay naman ang napasok sa isang international pageant o kaya naman ay nakasungkit ng korona nito.
Ngayon nga na nalalapit na naman ang Miss Universe pageant, na nilalahukan ng halos lahat ng mga bansa sa buong mundo, ay marami na naman sa atin ang ‘excited ‘ kung sino ang makokoronahan.
Samantala, alam niyo ba na ang Miss Universe pageant, ay tinaguriang ang “the most beautiful day in the Universe.” At ang kauna-uanahang pageant ng Miss Universe ay ginanap noong taong 1952 sa Long Beach, California.
Dahil nga sa muling nabalikan ang naging kauna-uanahang Miss Universe, ay lumabas rin online ang larawan na kuha sa naging pageant, kung saan ay makikita sa larawan ang Pinay na unang sumabak sa Miss Universe na si Teresita Torralba Sanchez.
Photo credits: Pageanthology 101/Facebook
Ang mga larawan ngang ito na kuha sa kauna-unahang pageant ng Miss Universe na ginanap 68-taon na ang lumipas ay ibinahagi ng Facebook Page na Pageanthology 101.
Makikita nga sa mga larawan na mga black and white photos na ang mga dalagang kalahok ng nasabing pageant, kung saan ay nakasuot ang mga ito ng “skimpy clothes”, habang ibinabandera ang kanilang nag-gagandang mukha at pangangatawan sa kamera.
Samantala, ang mas umagaw sa pansin sa mga netizens sa mga nasabing larawan, ay ang tila napakaraming ‘bloopers’ ni Teresita Sanchez, at isa na nga rito ay ang larawan niya na kung saan ay makikita ang masama niyang pagtitig sa ibang mga kandidata, kaya naman marami sa mga naging komento at reaksyon ng mga netizens ay “haha”.
Photo credits: Pageanthology 101/Facebook
Mayroon pa ngang larawan, na makikita naman ang kandidata ng Pilipinas na si Teresita Sanchez na tila inaayos nito ang kanyang bra, kung saan ay katabi nito si Ms. Germany, na napakaganda naman ng ginawang pagngiti sa kamera.
Photo credits: Pageanthology 101/Facebook
Photo credits: Pageanthology 101/Facebook
Halos 30 na mga dalaga mula sa iba’t ibang mga bansa ang naglaban laban sa Miss Universe 1952. At ang kandidata ng Pilipinas na si Teresita Sanchez, ay hindi nagawang makapasok sa top 10 nito.
Ang 17-taong gulang naman na si Armi Kuusela mula sa bansang Finland, ang nagwagi sa nasabing pageant, at nakasungkit sa titulo at korona ng Miss Universe 1952.
Photo credits: wikipedia