Entertainment
Viral Ngayon ang Dalawang Alagang Aso ng Isang Pinay, Matapos Niya Itong Kunan ng Sariling Pasaporte at Isabay sa Pagsakay Niya sa Eroplano Patungong Amerika

Kinaaliwan ngayon sa social media ang mga larawan ng dalawang aso na alaga ng isang Pinay. Ito nga ay matapos niya itong kunan ng larawan na nasa loob ng paliparan habang naghihintay ng sasakyang eroplano, at kung saan ay mayroon pang sariling mga pasaporte ang mga ito.
Dahil nga sa naging unti-unting pag-luwag ng travel ban dito sa ating bansa at maging sa ibang bansa, ay marami na sa ating mga kababayang Pinoy ang nagagawa ng lumabas ng bansa, at magtungo sa mga bansang nais nilang puntahan.
Ngunit, upang magawa ito, ay kinakailangan pa ring sundin ang ipinatutupad na safety protocol ng bansa, upang masigurado ang kaligtasan ng lahat. At ilan nga sa mga ito ay ang pagsusuot ng faceshield at facemask na ipinapatupad maging sa mga paliparan.
Samantala, kamakailan lamang ay mayroong isang post ng isang netizens ang talaga namang nag-viral online, at ito ay ang larawan niya na kuha sa isang paliparan, kung saan ay kasa-kasama niya ang kanyang dalawang alagang aso, na dadalhin niya patungong Amerika.
Ayon nga sa Pinay netizens na kinilalang si Diah Jackson, na unang beses palang pupunta sa Los Angeles, California, ay isinama niya ang kanyang mga alagang aso na sina Tootie, isang Aspin at Chimi na isa namang Shit Tzu sa kanyang pagsakay sa eroplano patungong Amerika, dahil sa ang mga ito ang nagsisilbing emotional support para sa kanya.
Ibinahagi pa ni Diah na kahit hindi na talaga kailangan na may pasaporte ang mga aso, ay kinuhaan niya ng pasaporte ang kanyang mga alaga, ito ay dahil para sa kanya ay organize ito, kung saan lahat ng details tungkol sa pet at owner, tulad ng vaccines ng mga alaga, ay makikita sa pasaporte.
“I bought their passports at Petdentity. Hindi necessary ang passport but I wanted them to have, it kasi organize siya, lahat ng detail ng pet and owner nasa passport na, pati vaccine”, saad ng ani Diah.
Dagdag pa ng ani Diah, ang kanyang mga alagang aso ay ang kanyang ‘emotional support’ kaya naman ngayong unang beses niyang pupunta sa bansang Amerika, ay sinama niya ang mga ito, upang may makasama siya. Sinabi rin ni Diah na na-train niya ang mga alaga, na maging mabait sa publiko, ito ay dahil sa dati umano siyang sundalo.
“It was my first time to travel to U.S and mag-isa lang ako magbabyahe at the time. These dogs are my source of security and support.”
Pinasalamatan naman ng Pinay, ang mga ahensiya na tumulong sa kanya na maasikaso ang lahat ng kailangan, upang maisama niya sa kanyang pagpunta sa Amerika, ang kanyang mga alagang aso.
