Sa naging paghagupit ng bagyong Ulysses sa ating bansa, ay marami sa ating mga kababayan ang talaga namang sobrang naapekutuhan, at nakaramdam ng takot at pangamba. Kabilang na nga sa mga ito, ang ilang mga artista na talaga namang hindi nakatulog, noong kasagsagan ng bagyo, dahil sa lakas ng hangin at ulan na dala nito.
Isa na nga sa mga artista na talagang hindi malilimutan ang kanyang naging karanasan, noong kasagsagan ng bagyong Ulysses, ay ang comedian-actor na si Vice Ganda.
Inabot ang comedian star na si Vice Ganda, kasama ang kanyang partner na si Ion at ang buong team niya ng bagsik ng bagyong Ulysses sa Balesin, Island kung saan ay magbabakasyon at mag-eenjoy dapat sila.
Matatandaan na ika-10 ng Nobyembre 2020, lumipad si Vica Ganda, kasama si Ipon Perez at ang grupo niya patungong Balesin, Island. Sa unang araw sa nasabing lugar, ay talaga namang nag-enjoy ang mag-kasintahan, dahil sa napakaganda nga naman talaga ng tanawin sa Balesin, Island.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Samantala, Pagsapit ng ika-11 ng Nobyembre, ay naramdaman na sa isla, ang pagsama ng panahon, dulot nga ng papalapit na bagyong Ulysses, kung saan ay unti unti ng lumalakas ang hangin na may dala ng pag-ulan. Ngunit sa kabila nito, ay nagawa pa rin ng magkasintahang Vice at Ion, ang mamasyal sa ilang mga lugar sa Balesin, at nagtampisaw pa nga si Ion Perez, sa dalampasigan kahit pa malakas na ang hampas ng mga alon nito.
Gabi noong ika-11 ng Nobyembre, ay ideneklara na ng pag-asa na isa ang Quezon sa mga lugar na nasa storm signal no. 3 na, at kabilang pa nga sa mga lugar na talagang makakaranas umano ng hapupit ng bagyong Ulysses ay ang Polilo Island, kung nasaan ang Balesin at naroon ang grupo ni Vice Ganda.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Kaya naman talagang makikita sa video na ibihagi ni Vice sa kanyang vlog ang napakalakas na ulan at hangin, na kanilang naranasan noong kasagsagan ng bagyo.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Makikita pa nga sa video, ang naging pagbabahagi ni Vice Ganda, na ilan sa mga guest ng nasabing villa na kanilang tinutuluyan sa Balesin, Island ay inevacuate na, dahil sa ang ibang mga bubong nito ay nilipad na ng hangin, dahil sa tindi ng lakas nito.
Photo credits: Vice Ganda | Youtube
Ayon nga kay Vice, isa sa mga guest na naroon na pina-evacuate na ay ang sikat na singer na Moira, kung saan ay kasama nito ang kanyang asawa, na nagbakasyon rin sa Balesin.
Makikita pa nga sa video na ito ng sikat na komedyante, na talagang lahat sila ay hindi makatulog dahil sa napakalas ng hangin at ulan na kanilang naririnig sa labas.
Ibinahagi naman ni Vice na sa kabila ng malakas na hagupit ng bagyo na kanilang nararanasan, ay hindi kinakailangan na mastress at magpanic.
“So Lord keep us safe, keep every one safe…
“So, for now wala tayong magagawa, kundi mag wait sa further announcements..
“Keep calm and pray.. kasi kung ma-stress wala ring magagawa kung magpanic”,
ang naging saad ni Vice, matapos tingnan ang lagay ng panahon sa labas, kung saan ay talaga namang napakalakas ng hangin at ulan.
Pagdating ng 8:40 P.M ay maririnig ang naging pag-alarma ng cellphone ni Vica Ganda, kung saan ay nanggaling ang mensahe sa NDRRMC, na nagsasaad na sa pagitan ng alas-dyes hanggang alas-onse ng gabi, ay direkta nan gang tatamaan ng bagyo ang Polilo Island.
Hindi nagtagal ay tumawag ang pamunuan ng Villa na tinutuluyan ng komedyante at ng grupo nito, upang ipabatid sa kanila, na ang lahat ng “guest’ ay kinakailangan ng ilikas, at dalhin sa mas “safe” na lugar, kung saan ay magiging ligtas ang mga ito.
Matapos ngang mailipat sa ligtas na lugar, ay mas napanatag na ang komedyante, ang partner nitong si Ion Perez at ang grupo nito.
Kinaumagan, kung saan tapos na ang pananalasa ng bagyo sa Polilo Island, ay makikita nga sa lugar ang malaking pinsala na idinulot ng bagyong Ulysses dito, kung saan ay marami sa kanilang mga “cottage” ang nagsiliparan ang mga bubong, at ang mga dahoon ng puno at halaman, ay talaga namang nagkalat sa daan.
Nagpasalamat naman ang komedyante, dahil sa kabila ng bagsik ng hangin at ulan ng bagyong Ulysses, ay ligtas silang lahat na naroon. At kahit naging “hassle” ang ilang beses nilang paglipat ng ligtas na lugar, ay dapat pa rin silang magpasalamat, dahil walang wala umano ito sa naranasan ng mga kababayan natin na lumubog sa baha ang mga kabahayan.