Troy Montero at Aubrey Miles, Ibinahagi ang Sikreto sa Matatag na Relasyon Sa Kabila ng Nararanasang Pagsubok na Dulot ng Pandemya

Sa nararanasan nating krisis na dulot ng pandemya, hindi maikakaila na mas lalong dumami ang ating mga suliranin sa buhay. Sa pagdating kasi ng pandemya, ay mas lalong nasubok ang kakayahan ng bawat isa, upang malampasan ang hamon ng buhay. Ngunit, kasabay rin nito, ang pagkasubok ng relasyon natin sa ating mga mahal sa buhay.

Sa oras kasi ng krisis nasusubok ang katatagan ng relasyon ng mag-asawa, kung paano nilang haharapin ng magkasama ang pagsubok na dala ng pandemya.

Photo credits: Troy Montero | Instagram

Nito lamang ika-29 ng Oktubre, sa panayam ng Magandang Buhay, ay ibinahagi ng mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles ang sikreto ng kanilang matatag na relasyon sa kabila ng mga nararanasang pagsubok na dala ng pandemya.




Photo credits: Troy Montero | Instagram

Ayon nga kina Troy at Aubrey, hindi man perpekto ang kanilang relasyon ay ginagawa naman nila ang lahat ng kanilang makakakaya upang alagaan ang kanilang pagsasama at mabigyan ng kaligayahan ang isa’t isa. At sa pagdating nga ng pandemya, ay mas lalo pang nasubok ang kanilang relasyon nang malockdown ng ilang buwan sa loob ng kanilang tahanan.

Ayon nga sa mag-asawa, ang talagang malaking tulong sa kanilang relasyon upang maging matatag ang kanilang pagsasama ay ang pagkakaroon ng respeto sa isa’t isa at magandang komunikasyon.

Saad nga ni Troy, kapag may respeto sa isa’t isa ay madali na lang ang iba pang bagay gaya ng pagmamahal. At mas lalong titibay ang pagsasama kung sasamahan nga ng magandang komunikasyon.

Photo credits: Troy Montero | Instagram

“Ako, especially during this time, I would say communication. You have to have really great communication and respect. Make sure you respect. Kasi once you have the respect, it’s very easy to have the other things, ‘yung love and everything. Very good communication and respect each other.”

Sinang-ayunan naman ito ni Aubrey, ayon nga rito, mahalaga umano ang respeto sa isa’t isa, dahil kapag nirespeto ang partner, nangangahulugan rin nito na nirerespeto ang sarili.

“Same din ‘yung sasabihin ko, ‘yung respect niyo sa isa’t isa at ‘yung respect sa sarili mo. Kasi parang the way na makikita nila na i-respect ka eh kapag sa sarili mo alam nilang ‘oh nirerespeto niya ang sarili niya, I have to give that.’”

Photo credits: Troy Montero | Instagram

Ibinahagi naman ni Troy, na sa kabila ng pagsubok na dulot ng pandemya, ay may maganda pa rin namang dulot ito. Ito nga ay nagkaroon sila ng mas maraming oras upang magkasama at magkapagbonding.

“If there’s a bright side to this pandemic and everything, it has given us more time with the family, more bonding moments. Parang more time na when your kids talk to you, hindi siya rush kasi you’re not going anywhere. Minsan-minsan lang we go out of the house pero most of our work is online lang. In a way it’s given us a chance to bond and become closer, all of us.”




Ayon naman kay Aubrey, ay sinusulit nila ang bawat sandali na magkakasama sila ng kanyang pamilya. At ang bawat sandali nga kasama ang kanilang mga anak ay talagang kanilang nae-enjoy.

May dalawang anak sina Troy at Aubrey, si Hunter Cody Sandel Miller ang panganay na ipinanganak noong October 3, 2008 at si Rocket Miller naman ang bunso na isinilang ni Aubrey noong December 14, 2018.