Trending Online ang Over sa Kilig Graduation Photos Ng Boyfriend ni Kiray Celis Matapos Ipakita ang Mensahe sa Kasintahan na “Kiray Lang Sakalam!”

Nakapagtapos na sa kolehiyo ang kasintahan ni Kiray Celis, na si Stephan Estopia.

Sa naging pagtatapos sa kolehiyo ng boyfriend ni Kiray Celis na si Stepahan Estopia, ay hindi lamang tuwa para sa matagumpay na pagtatapos nito sa pag-aaral ang nagbigay kasiyahan sa mga netizens.




Dahil nagbigay din ng sobrang kilig ang binata sa kanyang naging graduation photos, matapos nitong ibahagi kung gaano siya ka-proud bilang nobyo ni Kiray Celis sa pamamagitan ng pagpapa-picture ng may hawak na white board at may nakasulat na matamis na mensahe para sa kasintahang aktres.

Photo credits: Kiray Celis | Instagram

Makikita nga sa graduation photos ni Stephan, ang ilan niyang mga larawan na may hawak siyang white board, kung saan una sa mga ito, ay may nakasulat na “Kiray lang salakam” at ang sumunod na larawan naman ay may nakasulat na “Mahal na mahal kita Johanna Ismael Celis”.

Photo credits: Kiray Celis | Instagram

Hindi naman napigilan ng aktres na si Kiray Celis, na kiligin sa ginawang ito ng kanyang boyfriend, na nagtapos nga ng kolehiyo sa Arellano University.

Doble doble nga naman ang kasiyahan na nadarama ni Kiray, una na rito ay dahil sa naging pagtatapos ng boyfriend, at ang pangalawa naman ay dahil sa naramdaman niya na para kay Stephan ay isa siya sa mga naging inspirasyon nito sa naging pagtatapos nito ng pag-aaral.

Makikita naman sa Instagram account ni Kiray, ang kanyang naging mensahe para sa kasintahang si Stephan, at kung gaano siya ka-proud sa naging pagtatapos nito.

“Waaaahhhh. Congrats, @stephan.estopia! Proud na proud ako sayo. Sobrang saya ko na nakapagtapos ka na.”, saad ni Kiray.

“Bonus na lang ‘yung gawin mo akong isa sa mga inspirasyon mo. Congrats rin sa lahat ng mga kapwa niya grumaduate sa Arellano”, dagdag pa nito.




Matatandaan na taong 2019, ng kumpirmahin ni Kiray Celis ang relasyon nil ani Stephan Estopia. Inamin rin noon ng aktres na, ng magkakilala silang dalawa, ay pareho silang bigo sa pag-ibig, kung saan siya ay iniwan ng kanyang dating boyfriend para sa ibang babae, at si Stephan naman ay mula sa isang “failed” na relasyon.

Photo credits: Kiray Celis | Instagram

“Pagbigyan niyo na kaming magpost ng jowa ko. Proud lang kami sa isa’t isa. Alam kong hindi pa kami kasal kaya wag papakasiguro. Pero galing kami sa relasyon na hindi proud samin. Na hindi man lang kami maipagmalaki. Kasi marami pa lang mga tinatago! HAHAHAHA! Deserved naming to! – Johanna Kiray Celis (@kiraycelis) June 24, 2020”

Buwan ng July naman ng kasalukuyang taon, ng makatanggap ang aktres ng spesyal na regalo mula sa kasintahan, noong mismong araw ng kanyang kaarawan. Kung saan ay ibinahagi pa niya ang kanyang naging reaksyon, sa sobrang kaligayan ng malaman na isang “gold necklace” ang regalo sa kanya ng nobyo.