Super Tekla at Donita Nose Ipinagdiwang ang 2m Subscribers ng Kanilang Youtube Channel, Muling Pinasaya ang Kanilang Followers sa Kanilang “Sinong Mas Matalino Challenge”

Masayang nagdiwang ang magkaibigang comedian-host na sina Super Tekla at Donita Nose, dahil ngayon ay umabot na sa mahigit 2-milyon ang kanilang mga YouTube subscribers, sa Donekla Tandem.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nalagay sa alanganing sitwasyon ang showbiz carrer ng comedian-host na si Super Tekla, o si Romeo Librada sa kanyang tunay na pangalan, ito ay dahil sa naging pagreklamo ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Bana-ag, na siya umano ay inaabuso ng komedyante.

Ngunit ilang linggo lang din ang lumipas ay agad namang lumabas ang totoo, kung saan ay talaga namang walang pang aabuso na nagaganap.




Matapos ngang malinaw ni Super Tekla at lumabas na mali lahat ng aligasyon sa kanya, patungkol sa pang-aabuso, ay mas marami pa ngang mga tao ang ngayon ay hinahangaan ang komedyante, at sinuportahan ito.
Samantala, sa kabila nga ng naging pagsubok sa karera ni Super Tekla, ay inulin naman sila ngayon ng kanyang katan-dem at kapwa komedyante na si Donita Nose, ng sobra sobrang biyaya, ito ay matapos pumatok sa madla ang kanilang YouTube channel, na ngayon ay mayroon ng 2-milyon mahigit na mga subscribers.

Photo credits: Katandem | Instagram

Nito nga lamang ika-11 ng Nobyemre 2020, ay masayang inanunsyo ng DoNekla Tandem sa kanilang Youtube channel, na naabot na nila ang 2-million subscribers, kung saan ay talaga namang nagpapasalamat sila na sa kabila ng maraming pagsubok na dumaan, ay nanatili pa rin ang suporta ng mga tagahanga nila sa kanila.

Photo credits: Donekla | Youtube

Sa latest vlog nga ng magkaibigang Donita Nose at Super Tekla, ay nag-outfit pa sila ng Disney princess na mala Snow White, dahil sa talagang nais nilang ipakita sa kanilang mga subscribers na nag-eefort sila upang masayang ianunsyo na halos nasa 2-milyon na ang subscribers’ ng kanilang YouTube channel.




Photo credits: Katandem | Instagram

Matatandaan naman ilan sa mga na-feature sa YouTube channel ng DoNekla Tandem ay ang naging paglilinis ng condo ni Tekla na naiwang nakarumi ng dati niyang kalive-in at mga kamag-anak nito na doon tumitira noon.
Mayroon ding pagkakataon na nakasama nina Donita Nose at Super Tekla ang komedyanteng si Ethel Booba sa kanilang 19-minute vlogging.

Photo credits: Donekla | Youtube

Nagpasalamat naman sina Super Tekla at Donita Nose sa lahat ng kanilang mga subscribers at taga suporta.

“Dalawang milyong pagmamahal, pasasalamat at pagsuporta. Dalawang milyong entertainment. Binibigay pa rin naming sa inyo ang lahat ng best naming. Kita niyo naman sa outfit pa lang naming pinaghandaan naming ito”, ang naging saad ng ani Tekla sa kanilang latest vlog.

Sa paglipas nga ng mga araw, ay mas lalo pang nadaragdagan ang mga subscribers ng DonEkla Tandem.