Hindi maikakaila ang pagkahilig nating mga Pinoy sa Korean stars, hindi lamang sa kanilang magandang katangian kundi pati na rin sa kanilang husay sa pag-arte.
Photo credits: leeminho instagram
Isa nga sa kilala at hinahangaang Korean actor ay si Lee Min Ho na talaga namang taglay ang napakagwapong mukha. Napakahusay ring aktor ni Lee Min Ho pagdating sa pag-arte. Una siyang nakilala sa Korea at sa ibang bahagi ng Asia sa kanyang pagganap bilang Gu Jun-pyo sa Boys Over Flower na ipinalabas noong 2009.
At dahil sa kanyang kahanga-hanga at mahusay na pagganap ay pinarangalan siya bilang Best New Actor award sa 45th Baeksang Arts Awards.
Ilan naman sa mga television series na kanyang ginawa kung saan ay mas lalo pa siyang nakilala ay Personal Taste (2010), City Hunter (2011), The Heirs (2013), Legend of the Blue Sea (2016) at The King: Eternal Monarch (2020). May mga pelikula rin siyang ginawa kung saan ay lead role ang kanyang ginampanan tulad na lamang ng Gangnam Blues at Bounty Hunters.
Malayo na nga ang narating na tagumpay ni Lee Min Ho sa kanyang karera. At ngayon nga, ay hindi lamang ito isang mahusay na aktor, kundi isa na ring executive producer at creative director ng sarili niyang “movielog”.
Nito lamang ika-30 ng Oktubre, ay masayang ibinahagi ni Lee Min Ho ang kanyang bagong launch na Youtube Channel na pinangalanan niyang “leeminho film”. Dito mapapanood ang mga “movielog” na siya mismo ang gumawa.
Ang kanyang unang YouTube video ay pinamagatan niyang “Movielog Ep.1”, kung saan tampok ang isang video na nagpapakita ng kanyang buhay patungo sa tagumpay. Mapapanood rin dito ang mga proyekto na kanyang ginawa. Sa pinagsama-samang eksena sa isang video na naglalaman ng 2 minuto at 39 segundo, ay naisalaysay ni Lee Min Ho ang buhay na kanyang pinagdaanan.
Photo credits: leeminho film
Dahil marami ang talagang humahanga sa Korean actor, ang unang video na kanyang inilabas, ngayon ay may 495K views na ito. Samantalang agad namang dumami ang kanyang subscribers na ngayon ay may bilang na 192K subscribers na. Ito ay nakamit ni Lee Min Ho sa loob lamang ng tatlong araw. At ngayon nga, ay mapapanood na rin ang “Movielog Ep.2” sa kanyang Youtube Channel na may 295K views na.
Todo suporta naman ang mga tagahanga ni Lee Min Ho sa bago nitong pinagkakaabalahan. At ipinaabot ng mga tagahanga ng aktor ang kanilang kagalakan sa tinatahak nitong landas.
“Lee Min Ho didn’t make it in a day. It was a long, long journey. He achieved this all success because of years of hard work. He’s king of K-Dramas indeed.”
“When all is said and done, when all the lights fade and dim, we are left with ourselves alone. Every noise quieted, the heart of our miraculous existence remains. We are all beautifully human. Our love and pain are felt the same. You’re a wonderful human Lee Min-Ho and we love and support you dearly.”