Sofia Andres, Ibinahagi ang mga Napaka Cute na Pictures ni Baby Zoe para sa kanyang Nalalapit na 1st Birthday Celebration

Proud mommy ang aktres na si Sofia Andres, dahil sa ipinamalas na kakyutan ng kanyang anak na si Baby Zoe, sa mga naging recent birthday pictorial nito.

Muli ngang ibinahagi ni Sofia sa kanyang Instagram account nito lamang araw ng Biyernes, ika-6 ng Nobyembre ang mga cute na larawan ni Baby Zoe, at maging ang mga naging snap shot nito para nalalapit nitong 1st birthday.




Ayon nga kay Sofia, ay sadyang napakabilis ng araw, dahil ngayong buwan na ngang ito, ay ipagdiriwang na ng kanyang cute na cute na baby girl ang 1st birthday nito.

“How could it be so fast?”

“It’s her birth month and I can’t believe that she’s turning one soon”, ang naging saad ng ani Sofia sa kanyang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Ibinahagi rin ni Sofia sa kanyang naging post na ang nasa likod ng napakagandang mga kuha na larawan ng kanyang baby girl, ay ang Nice Print Photography.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Umani naman ng napakaraming “likes” ang post na ito ng actress na larawan ni Baby Zoe. Marami din sa kanyang mga tagahanga, ang hindi napigilan ang magbigay komento kng gaano “ka-cute at adorable” ang kanyang baby girl.

 

View this post on Instagram

 

#ZoeNatalia1stbday

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Ang 1st birthday ng anak ni Sofia Andres at partner nitong si Daniel Miranda na si Baby Zoe, ay ngayon ngang darating na ika-24 ng Nobyemre, kaya naman talagang excited na si Sofia, na may halo ring kaba dahil sa napakabilis na paglaki ng kanyang baby.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Matatandaan na buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon ng matapang na ibunyag ni Sofia Andres sa publiko na siya ay isa ng mommy. At ito nga ay ginawa ng aktres noong araw ng “Father’s Day”, kung saan ay binati niya ang kanyang partner sa buhay na si Daniel Miranda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on

Kasunod ng naging pag-amin ni Sofia na siya ay isa ng mommy, ay ang naging madalas na ring pagbabahagi sa publiko ng aktres ng mga larawan at video niya kasama ang kanyang cute baby girl na si Zoe.

Marami naman sa mga tagahanga ng aktres ang excited na ring makita ang magiging kaganapan sa 1st birthday ni Baby Zoe.