Isa sa mga naging pasabog na balita sa mundo ng showbiz ay ang paglalahad ng aktres na si Sofia Andres na siya ay nagbuntis at isinilang ang anak nila ng kanyang napaka gwapong boyfriend na si Daniel Miranda. Proud na ibinahagi ni Sofia sa mundo ang napaka cute na larawan ng kanyang anak na babae na pinangalan nilang si Zoe natalia Miranda.
Kaya naman ngayong 1 year old na si baby Zoe, ipinasilip ng magasawa ang kanilang simpleng selebrasyon pero may dreamy photoshoot na punong puno ng decoration, katulad ng mga bulaklak at ibat-ibang kulay ng lobo. Makikita sa larawang ibinahagi sa instagram account ni sofia ang kanilang masayang family photos, habang napapalibutan ng makukulay na bulaklak at lobo.
Mapapansin din ang napaka eleganteng blush gown ni Sofia na talagang nag match sa peach pink wonderland themed na dinesenyo ni Gideon Hermosa.
Mapapansin din ang napaka cute na suot ni baby zoe na nag match sakanyang mommy Sofia. Si Daniel Miranda naman ay naka suot ng pang rockstar na may leather jacket at naka black jeans at shoes.
Photo credits: Sofia Andres | Instagram
Ginanap ang napaka gandang photoshoot na ito para sa kaarawan ni Zoe sa Palacio de Memoria sa Manila kung saan pinuno ang hagdan ng dekorasyon na talagang nag paganda dito.
Photo credits: Sofia Andres | Instagram
Ayon sa preview magazine na ang suot na gown ni Sofia ay gawa ni Joe San Antonio, samantala ang suot naman ni Baby Zoe ay denisenyo ng Little Daisy Ph. Maliban sa suot ni Zoe na nag match sa kanyang mommy ay may isa pa tong outfit kung saan denisenyo din ng Little Daisy Ph at tinawag nilang “Carnation” dress.
Ibinahagi din ni Sofia ang ilan sa mga napaka sweet na kuha nila ng boyfriend na si Daniel, na tila ay nasa loob sila ng isang eroplano na may caption na
“What’s the title of our movie? ?”
Narito din ang solo shot ni baby zoe sa kanyang mga super cute na posing, mapapansin din ang background niya kung saan may mga paintings.
Makikitang super happy si sofia sa naging resulta ng dreamy photoshoot. Silipin dito ang pre birthday video ni baby zoe:
source: metro.style