“Sobrang nakakapanibago”Angeline Quinto, Pangungulila ang Naramdaman sa Kanyang Kaarawan Dahil sa Unang Beses Ito na Wala na sa Piling Niya si Mama Bob

Sa pagpanaw ng isang taong ating minamahal, ay talaga namang pangungulila ang ating nararamdaman, lalo na kung malaking parte ng ating buhay, ay siya na ang ating naging kaagapay at gabay.

Damang-dama nga ng singer na si Angeline Quinto, ang kalungkutan at sobrang pangungulila ngayon, dahil sa naging pagpanaw ng kanyang mahal na inang si Mama Bob.




Alam ng nakararami na si Mama Bob, ay ang kinalakihang ina ni Angeline Quinto, matapos siya nitong kupkupin at alagaan na parang tunay siyang anak nito. Ito rin ang unang taong nagbigay suporta sa kanya sa pag-aboy niya ng kanyanf pangarap bilang isang mahusay na mang-aawit.

Kaya naman, sa kabila ng naging pagdiriwang ni Angeline Quinto ng kanyang kaarawan noong ika-26 ng Nobyembre 2020, ay kakulangan ang nadama ng singer, dahil sa unang beses umano ito, na siya’y nag-birthday ng wala na si Mama Bob sa kanyang buhay.

“Sobrang nakakapanibago”, saad nga ng singer.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Matatandaan na puman@w ang kinalakihang in ani Angeline Quinto, na si Sylvia Quinti o “Mama Bob” noong ika-7 ng Nobyembre, ilang linggo bago magdiwang ng kanyang kaarawan ang singer.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Samantala, makikita naman sa Instagram story ng singer ang kanyang naging pagbabahagi ng kanyang mensahe para sa lahat ng bumati at sumoporta sa kanya sa gitna ng kanyang pagluluksa. Ibinahagi rin niya na sa kabila ng pagkawala ni Mama Bob, ay mananatili siyang matatag, dahil alam niya na ayaw nito na siya’y nalulungkot o umiiyak.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

“First time na wala ang Mama Bob. Sobrang nakakapanibago sa totoo lang. Hindi ko po alam parang iba yung pakiramdam pero alam na alam ko po na ayaw ng Mama Bob na malungkot ako”, ang naging bungad nga ni Angeline sa kanyang IG story.

“Kaya kahit kami na lang ang andito sa bahay ngayon, alam ko ‘yung presence ng Mama Bob ko patuloy na nararamdaman po namin”,dagdag pa nga ng singer.




Mababasa rin sa mensahe ng singer sa kanyang IG story ang kanyang pasasalamat sa lahat ng kanyang mga kaibigan, nagbigay inspirasyon sa kanya, at nagpa-abot ng paagbati sa kanyang kaarawan, sa kabila ng nararamdaman niyang kakulangan ngayon sa kanyang buhay.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

“Thank you very much po sa lahat ng paatuloy na bumabati sa akin. Salamat po sa inyong lahay. Dahil po sa inyo, patuloy akong nagiging malakas sa lahat ng mga pangangamusta niyo”, saad ni Angeline.

Sinigurado rin ni Angeline sa kanyang mga tagahanga at kaibigan, na sa kabila g mahirap na pinagdadaanan niya ngayon, ay patuloy naman siyang magiging matatag sa buhay.

“Patuloy tayong lalaban guys. Kayang kaya natin ‘to dahil masayang masaya ang Mama”, pahayag pa nga ng singer.

Matapos nga ang ilang linggong pamamahinga ni Angeline sa kanyang trabaho, dahil sa naging pagtutok niya sa burol ng kanyang ina, ay bumalik na ang singer noong araw ng Linggo sa trabaho nito, kung saan ay makikita na sa kabila ng pangungulila ay pinipilit nitong ibalik ang kanyang sigla at saya.