Simpleng Buhay ang mas pinili ni John Lloyd Cruz dahil dito niya natagpuan ang kasiyahan

Ang magkaroon at maranasan ang simple o payak na pamumuhay ay isang malaking pagpapasya para sa mga taong kinagisnan ang isang maganda at magarang pamumuhay.

Hindi lahat ng tao kayang e give-up kung ano man ang meron sila lalo na kung ito ay kanila nang nakasanayan. Pero ika nga ng nakararami, aanhin mo ang magarbong pamumuhay, iyong halos nasa sayo na lahat ngunit sa kabila naman nito hindi ka masaya.

Katulad na lamang ng aktor na si John Lloyd Cruz na napabalita na nagpahinga muna sa mundo ng Showbusiness at kasalukuyang namumuhay ng simple.

Ang mga katagang “Living the simple life ” ang makikita mo sa kanyang social media account na may kasamang litrato na kung saan nakasuot ito ng puting t-shirt at tila bang kakain ito ng fishball na may mga kasamang residente sa kanyang mga paligid. Ito ay isang simpleng litrato mula sa isang pinakasikat na artista sa kasaysayan ng Philippine Showbusiness.

Kahit ganun pa man ay hindi pa din maiwasan ng mga tao sa kanyang paligid na mag pakuha ng litrato kasama ang aktor kasi sino ba naman ang hindi makakakilala kay Popoy na sobrang gwapo.

Mapapansin din sa mga litrato na masaya ang aktor kung ano man ang meron siya ngayon sa buhay niya at ito ang nag-pakilig at nag-pahanga sa mga netizens na nakakita sa mga litrato ng aktor.

Isang katutak na positibong reaksyon ang naani mula sa post na ito ni John Lloyd sa kanyang social media account na kung saan naihalintulad umano ito sa isa ding artista na mas pinili na mamuhay ng simple tulad ni Andi Eigenmann na hinahangaan din ng maraming mga netizens.

Saad ng mga netizens kay John Lloyd na deserve umano nito ang mamuhay ng simple hangga’t masaya ang aktor at kontento sa kung ano ang meron siya ngayon.

May nag-paabot din ng mensahe na sana makita na umano ng aktor ang kanyang one true love na makakapagbuo at makakapagpasaya sa aktor at handa samahan ang payak na pamumuhay ng aktor.

Maliban dito, meron ding mga Netizens ang humihiling at nagtatanong kung kailan balak bumalik ng aktor sa showbusiness dahil gusto na umano nila muling makita na umarte ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *