Silipin ang Ultimate Stress Reliever ni Coco Martin na Favorite Spot nya sa kanyang Bahay ang Kanyang ‘Bahay Kubo’ na Punong-puno ng mga Luntian at Masusustansiyang Gulay

Napakasarap naman talagang manirahan sa probinsiya, hindi lamang dahil sa napaka-refreshing ng pakiramdam, kundi pati na rin sa mga maaaring gawin dito. Bukod nga sa sariwang simoy na malalasap at magagandang tanawin na masisilayan, ay maeenjoy rin ang simpleng buhay.

Kaya naman, kahit gaano pa kaabala sa kanilang trabaho ang ilang celebreties sa showbiz, ay mas pinipili pa rin nilang lisanin ang buhay sa lungsod upang makapag-relax sa probinsya. Kahit man lang malimutan ng ilang sandali ang nakakapagod at nakakastress na trabaho sa showbiz.




Bukod nga sa pagbabakasyon sa iba’t ibang lugar sa probinsya, ay naglalaan rin ng oras ang ilang artista, na magkaroon ng libangan sa kanilang tahanan kagaya ng pagtatanim. Katulad na lamang nga ng “Ang Probinsyano” star na si Coco Martin na na naging libangan na ang pagtatanim ng iba’t ibang klaseng gulay sa kanilang tahanan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Sa mga larawan binahagi ng aktor sa kanyang Instagram acount, ay tila kompleto na ang mga halamang nabanggit sa kantang “Bahay Kubo” sa dami ng kanyang mga pananim. Makikita nga sa kanyang napakalawak na garden ang iba’t ibang klase ng gulay tulad na lamang ng okra, pipino, sitaw, talong at ampalaya na pawang mga organic ang paraan na ginagawa ng aktor upang mapalago ang mga ito.

Photo credits: google.com

Hindi maikakaila na malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng garden ni Coco sa kanyang pamilya, bukod na sa nakakatipid dahil hindi na kinakailangan pang magtungo sa palengke, ay nakakatiyak ring sariwa at masustansya ang gulay na kakainin ng buong pamilya.

Photo credits: google.com

Samantala, sa naturang post ay hinikayat naman ng aktor ang mga netizens na magkaroon rin ang garden sa kanilang tahanan dahil nga napakalaking tulong nito. Bukod rito, ay nakakatulong rin ito sa kalikasan.

“Magtanim po tayo para makatulong sa kalikasan.”




Makikita naman sa mga larawan na napaka-organized ni Coco sa pagsasaayos ng kanyang pananim. Ang bawat pananim nga ay may distansyang nakapagitan, nilagyan rin ng balag ng aktor ang mga gulay na gumagapang.

Samantalang ang iba naman, ay nilagyan niya ng munting silong o net.

Photo credits: google.com

Ang pagtatanim ng mga gulay nga ang nagpapasaya kay Coco. Sa isang post nga ng aktor ay makikita na talagang masaya siyang magkaroon ng simpleng buhay, kung saan kalakip nito ang larawan na kuha sa kanyang garden at nilakipan ng caption na “Napakasarap mabuhay ng simple.”

Photo credits: google.com

Tunay nga na napakasarap mamuhay ng simple lalo na’t napapalibutan ng mga luntian at masustansyang gulay ang ating bakuran. Talaga namang kahanga-hanga si Coco na kahit abala sa trabaho, ay may pagkakataon pa rin siyang magtanim at alagaan ang mga ito. Bagay na hindi lamang nakakatulong sa kanilang pamilya, kundi pati pa rin sa inang kalikasan.