Silipin ang “Safari Theme” Nursery Room ni Baby Amari, na Inihanda ng Mag-asawang Coleen at Billy Crawford

Isang malaki at magandang silid ang inihanda ng mag-asawang Billy at Coleen, para maging nursery room ng kanilang panganay na anak na si baby boy Amari.




Sa isang panayam sa Tv host na si Billy Crowford ng Mtero. Style ay ibinunyag nito kung ano ang naging paghahanda nila ng kanyang asawang si Coleen, noong malaman nila na ito’y buntis na. Kung saan ay isa umano sa kanilang pinaghandaan at talagang pinag-isipan ay ang magiging “nursery room’, ng kanilang magiging baby.

“That was the first thing, when she’s got pregnant. We started thinking, ‘Where will the nursery be’.’, ang naging paglalahad nga ni Billy.

Photo credits:  Nicole Talens, Mark Steven Perez and Steph Samala

Ayon naman kay Coleen, ang ginawa nilang nursery room para sa kanilng baby, ay ang dati nilang gym sa loob ng kanilang tahanan. Nilipat naman ng mag-asawa ang kanilang gym, sa may babang hagdan na ng kanilang bahay.

Photo credits:  Nicole Talens, Mark Steven Perez and Steph Samala

“This very room used to be our home gym. Upon turning it into a nursery, we had to transfer our home gym downstairs”, ang naging saad naman ni Coleen.

Samantala, inamin naman ng mag-asawang Billy at Coleen, na talagang pinag-isipan nila na maging ‘unique’ ang magiging nursery room ng kanilang baby, kung saan ay hindi itotulad sa mga ‘typical room’ na pang baby boy, na nakukulayan ng kulay baby blue.

Photo credits:  Nicole Talens, Mark Steven Perez and Steph Samala

“We wanted to stay away from he typical pastel blue (the typical boy-girl color).. We wanted it to be somewhat gender neutral, but we still wanted a little gentle masculine vibe. So that’s why we went for the deep green instead of blue. It makes the room so much fresh. It’s great shade of green. Something you wouldn’t think to use in a nursery. It’s a perfect complement to the wall paper which is safari”, dagdag pa ni Coleen.

Makikita nga sa mga larawan na kuha sa nursery room ng baby ng mag-asawang Coleen at Billy, na maliban sa kulay nitong luntian na napakagandang tingnan, ay mayroon din itong mga wall sticker na iba’t ibang uri ng mga Zoo Animal, kung saan ayon sa aktres ay isa itong “Safari Theme” nursery.

Photo credits:  Nicole Talens, Mark Steven Perez and Steph Samala

Dagdag pa ni Coleen, gusto nilang mag-asawa na maging ‘familiar’ agad ang kanilang anak na si Baby Amari sa mga animals, sa pamamagitan nga ng mga nakikita nitong wall sticker sa paligid ng nursery room nito.

“I didn’t really get to grow up around many animals, and Billy didn’t either. The first time he saw giraffes and zebras was when we went to Africa. So we want to introduce tto our babies as early as now, even if just this way.”

Photo credits:  Nicole Talens, Mark Steven Perez and Steph Samala

Samantala, ayon kay Billy, ang nanguna sap ag-aayos at pagdidisenyo ng napakagandang nursery room para sa kanilang si baby Amari, ay ang interior designer na si Mark Steven Perez ng Empire Designs, ang Harver Hill Furniture at ang New Gussy design.




Ilan naman sa makikita na mga kagamitan sa nursery room na ito ni baby Amari, ay ang crib gawa ng Pottery Barn, ang custom-design and multi-functional changing table na gawa naman ng Harver Hill, cabinets, shelves, at ilang mga containers, storage kung saan nakalagay ang mga baby essentials. Mayroon ding halaman sa loob nito, kung saan ito ang nagisisilbing pang-purify ng hangin.

Photo credits:  Nicole Talens, Mark Steven Perez and Steph Samala

Ibinahagi rin ng mag-asawang Coleen at Billy, na paborito nilang tambayang mag-asawa ang nursery room ng kanilang baby, dahil sa talagang napaka-presko nito tingnan, dahil sa magagandang wallpaper na nakadisenyo dito.

Nagbigay rin ng payo sina Billy at Coleen, sa mga ‘first time parents’ tulad nila, kung ano ang mga dapat isipin at gawin, kapag nais ng mga ito na magpagawa ng isang maganda at nakakarelaks na nursery room para sa kanilang baby.