Si Giselle Sanchez ay isang aktres at kilala ring komedyante sa industriya ng showbiz. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang “Filemon Mamon”, “ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh” at “Manay Po!”..
Mapalad namang natagpuan ni Giselle ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng kanyang asawang si Emil Buencamino. Naging masaya at puno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama kung saan ay biniyayaan sila ng dalawalang anak, sina Lia at Xavier Zappa.
Ikinasal sina Giselle at Emil noong taong 2000, at kamakailan nga ay masayang nagdiwang ng kanilang 20 taong masayang pagsasama bilang mag-asawa. At sa pagdiriwang ng kanilang 20th wedding anniversary, ay muli nilang sinariwa ang tamis ng kanilang pagmamahalan.
Nito lamang ika-1 ng Nobyembre, ay masayang ibinahagi ni Giselle ang kaganapan sa kanilang espesyal na araw. Sa Instagram post ng aktres, napag-alaman na noong ika-31 ng Oktubre, ginanap ang kanilang muling pag-iisang dibdib. At ang kanilang intimate wedding ceremony ay ginanap nga sa Daughter’s Of St. Anne Convent sa Cubao, Quezon City, kung saan dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Sa Instagram ay ibinahagi ni Giselle, ang kanyang kaligayahan sa 20 taong masayang pagsasama nila ng kanyang asawang si Emil.
“Allow me to share my joy as I renewed my wedding vows with my husband after twenty years of blissful marriage.”
Nagbahagi rin si Giselle ng mga larawan na kuha sa venue ng kanilang muling pag-iisang dibdib. Makikita nga na napakaganda ng lugar na talagang pinag-isipang mabuti ang magiging disenyo. Ang magkaroon ng isang garden wedding ay pangarap na ng aktres, kaya naman nang masilayan kung gaano kaganda ng venue ay labis ang kanyang kaligayahan.
Pinasalamatan rin ni Giselle ang Diyos sa pagbibigay ng magandang panahon sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib, upang matupad ang kanyang garden dream wedding. Maging ang mga taong tumulong sa kanilang espesyal na araw ay pinasalamatan rin ng aktres.
“@niceprintphoto captured our love in the beauty of the garden of the #daughtersofsaintanne convent. The sisters led by @happycrisvie transformed the venue to the most beautiful garden wedding area I have ever seen and the plants of @shoplamaisonb added serenity to the place. @randylazaro_ made an eye- catching bouquet I loved so much. I would like to thank God for the sunny weather yesterday that allowed me to have my dream garden wedding. Thank you to my glam team @ml_salon_and_spa.pasig.”
Ibinahagi naman ni Giselle na ang seremonya ay ginanap kombento upang makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon. Na sa halip nga na magkaroon ng engrandeng kasalan ay mas pinili nila ang simpleng okasyon, upang makatulong sa kombento.
“Dear Emil, thank you for agreeing on a quiet intimate ceremony inside the convent where I serve. Instead of spending lavishly on an anniversary, we opted to donate and help the projects of the #daughtersofsaintanne convent”
Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Giselle sa programang Magandang Buhay ang pagsisimula ng kanilang pag-iibigan. At nakilala niya umano si Emil, nang humiram siya ng camera sa kapatid nito.