Tunay nga na friendship goals ang tatlong magkakaibigang komedyante na sina MC, Lassy, at Chad Kinis na mas kilala sa tawag na Beks Battalion. Ito nga ay dahil magkakasama nilang naipundar ang isang napakagandang bahay na may modernong disenyo kung saan ay sama-sama silang maninirahan.
At noong ika-1 ng Nobyembre, ay ipinasilip ng magkakaibigan sa kanilang vlog ang bago nilang bahay na tinawag na BB House.
Matapos ang ginawang renovation sa bahay ng Beks Battalion, makikita na rito ang malaking pagbabago na sadyang napakaganda. Sa paglilibot nga ng tatlo sa kanilang tahanan, ay makikita na maaliwalas ito at may napakagandang disenyo.
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Simula sa living room, ay masisilayaan ang disenyong magaan sa mata na hatid ng magandang kombinasyon ng napili nilang disenyo. Mapapansin rin ang mga naggagandahang abstract painting sa bawat sulok ng tahanan.
Sa dining area naman, ay makikita ang kaayusan ng lugar kung saan ay sabay silang magsasalo-salo. Ipinasilip rin ng magkakaibigan ang kanilang kitchen area, at ipinaliwanag ang bawat kasangkapang makikita rito. Maging ang dirty kitchen, laundry area, at dog’s room ay ipinasilip rin ng tatlo.
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
May dalawang silid namang matatagpuan sa unang palapag ng bahay kung saan namamalagi ang iba pa nilang kasama sa bahay. Kabilang na rito ang silid ni Tetay at ni Tonton kung saan ay may sariling walk in closet at banyo.
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Bago naman makaakyat sa pangalawang palapag, malilisayan naman ang gabda ng disenyon ng hagdan na gawa sa kahoy. Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang silid ni Lassy at ni Chad. Ang silid ni Lassy ay wala pang gaanong laman, dahil kakalipat pa lamang niya sa bahay. Samantalang sa silid ni Chad, ay naroon na ang kanyang mga kagamitan dahil halos isang linggo na siyang nakatira rito.
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Photo credits: Beks Battalion | Youtube
Sa huling bahagi ng video, ipinaliwanag ng magkakaibigan na ngayon ay house 1 pa lang ang tapos ayosin. At sa ginagawang house 2 naman, ay naroon ang magiging silid ni MC. Sa house 2 rin matatagpuan ang magiging hallway kung saan ilalagay ang mga pictures, at achievement nila sa buhay, ito ay tatawagin nilang Beks Battalion wall.
“Ito po ‘yung House 1. So aantayin na lang po natin matapos ang House 2 kung saan nandu’n si Kuya MC para magiba na ‘yung hallway. Nandu’n kasi ‘yung gagawin naming Beks Battalion Wall.”
Ayon nga kay MC, ang nasabing wall ang magpapaalala sa kanila kung paano silang nagsimula, at kung paano nila nakamit ang kanilang tagumpay.
“Yes, kung saan lahat ng pictures natin, achievements natin … du’n natin ilalagay. So tuwing naglalakad tayo, naaalala natin kung saan tayo nagsimula at kung nasaan na tayo ngayon.”
Hindi naman maikubli sa mukha ng magkakaibigan ang excite sa nalalapit na pagtatapos ng construction ng bahay, upang masilayan na ang kabuuan nito. Nagpasalamat rin ang mga magkakaibigan sa mga taong hindi nagsasawang sumuporta sa kanila. Mga taong naging dahilan upang makamit nila ang tagumpay.