Silipin ang mga Nakakakilig na Kaganapan sa “Delayed honeymoon” ng Mag-asawang Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli, Ibinahagi ni Dra. Vicki Belo sa Isang Special Vlog

Ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ay matatandaang ikininasal noong Pebrero 2020 sa isang Christian wedding ceremony sa Victory Church sa Taguig.
Sa kabila ng pagiging pribado at iilang bisita lamang ang dumalo sa kasal ng dalawa ay naging “talk of the town” pa rin ito, dahil sa napabalitang pagsusuntukan umano nina Mateo at ang bodyguard ni Popstar Royalty Sarah Geronimo, kasabay pa ng naging pagsugod ng ina nito sa nasabing okasyon.




Ngunit sa kabila ng pinagdaanan, at sa naging pangyayari sa araw ng kanilang kasal, ay mas naging matibay ang relasyon at pagmamahal nina Sarah at Mateo sa isa’t isa.

Nito ngang Hulyo 2020, ay naging usap-usapan muli ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, ng silang dalawa ay magbyahe patungo sa napakagandang isla ng Amanpulo.
Ayon nga sa mga naging ulat, ang naging pagpunta ng mag-asawa sa nasabing isla ay ang kanila ng “delayed honeymoon”. Dahil noong matapos ang kanilang kasal, ay hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapaghoneymoon, sa sobrang busy pa ng kanilang mga “schedule”.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

Marami naman ang mga tagahanga ng dalawa, ang nag-abang mga kaganapan sa naging bakasyon nilang ito sa Amanpulo.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

At ngayon nga ay nabigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga nina Mateo at Sarah, na masilip ang naging kaganapan sa nasabing byahe nilang dalawa, na kung tinaguran ng marami na ang “delayed honeymoon” ng mag-asawa.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

Sa isan espesyal vlog ni Dra. Vicki Belo, ay ibinahagi nito ang isang spesyal vlog na kuha sa naging bakasyon n mag-asawa sa Amanpulo. Ayon pa sa sikat na dermatologist sa ating bansa, ibinahagi niya ito, dahil sa marami sa mga tagahanga ng dalawa, ang talaga namang nagre-request nito.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

“Since you’ve been requesting for more photos and videos about my family’s Amanpulo’s adventure with @justsarahgph and @matteog, we collated them all in this special vlog.”, ang naging saad ni Vicki Belo.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

Makikita nga sa naturang vlog ni Dra. Vicki Belo, ang naging pagsabak ng mag-asawa sa iba’t ibang activities sa Amanpulo, katulad na lamang ng scuba diving.




Nakakakilig namang makita, kung gaano ka-sweet at maingat si Matteo, sa kanyang asawang si Sarah, sa bawat activities na kanilang ginagawa, tulad na lamang nga ng naging pag-alalay nito kay Sarah sa pagbaba nito sa Yate.

“Ang bait naman ng asawa, ma-alaga”,

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

maririnig na panunukso ni Dra, Vicki Belo, habang nakikita ang pagiging maalaga ni Mateo kay Sarah.

Makikita rin na masaya at kinikilig si Sarah sa tuwing sila ay kukunan ng litrato. Ayon nga kay Matteo, “Virgin lips pa ko,” saad ni Matteo matapos tuksuhin ang mag-asawa ng kiss sa lips post ng kunan ito ng litrato.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

Maliban pa rito, ay nagtanim pa ng niyog ang mag-asawa, kung saan ito ay bahagi ng kanilang nilahukang tree planting session sa naging tour nilang ito.

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 




Mapapansin naman na isa lamang ang puno na itinanim nila sarah at Mateo, at ang naging paliwanag dito ng aktor ay;

“Only one tree for me and Sarah, because it’s forever.”

Photo credits: Dr. Vicki Belo | Youtube 

Makikita naman ngayon sa mag-asawang Mateo at Sarah, na sa kabila ng mga pinagdadaanan ng kanilang relasyon, at patuloy na pinagdadaanan pa, ay mas lalo pang naging matibay ang kanilang samahan, at magkasama nilang hinaharap anumang pagsubok ang dumaan sa kanilang mag-asawa.

Amanpulo Escapade with Sarah and Matteo | Vicki Belo