Silipin ang mga Kahanga-hangang Halloween Costume ng KathNiel, LizQuen, at Iba pang Sikat na Celebrities

Isa nga sa mga nakagawian na pagdiriwang tuwing huling araw sa buwan ng Oktubre, ay ang Halloween celebration. Sa nasabing okasyon ay palawakan ng imahinasyon upang magkaroon ng magagandang karakter na kanilang magiging costume.

At nito lamang ngang ika-31 ng Oktubre, ay masayang ipinagdiwang ng mga Pinoy Celebrities ang Halloween ngayong taon. Hindi nga naging hadlang ang pandemya at bagyo upang magkaroon ng masayang Halloween celebration. At bawat celebrities nga ay proud na ibinahagi ang kanilang napiling Halloween costume sa kanilang mga social media accounts.

Silipin ang pagiging creative ng mga sikat na artista na ito sa kanilang Halloween costume.




Ang kilalang Nguya squad na kinabibilangan ng mga celebrities na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Ria Atayde at Pat Sugui, ay nagkaroon ng kompetisyon kung saan naglaban ang mga boys at mga girls kung sino ang may pinakamagandang costume.

Ang mga girls nga ay pinili ang haunting corpse bride bilang Halloween costume. Makikita sa Instagram nina Gabbi Garcia at Kathryn Bernardo na talagang kuhang-kuha nila ang mga bride corpse sa mga horror movies.

Samantala ang mga boys naman ay naging kahanga-hanga ang transformation kung saan ay naging mga zombies. Sa Instagram nga ni Daniel at Khalil makikita ang larawan, na talagang nakakatakot ang kanilang hitsura dahil na rin sa ginawang prosthetics make up upang magmukhang makatotohanan.

Ang real life couple naman na sina Liza Soberano at Enrique Gil, na kasalukuyang nasa United States, ay Scooby-Doo characters ang napiling costume para pagdiriwang ng Halloween. Si Liza bilang si Velma at si Enrique naman bilang si Fred.

Ang Kapamilya actor namang si Enchong Dee ay naging makatotohanan ang karakter bilang Batman villain Two-Face, sa tulong ng prosthetics na inilagay sa kanyang mukha.

Ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ay hindi rin nagpahuli na ibida ang kanilang Halloween costume sa kanilang social media accounts. Ang magkasintahan nga ay nagkaroon ng gender-bending costume sa karakter ng “Tiger King” stars na sina Joe Exotic, ang zookeeper at conservationist na si Carole Baskin.




Tila naman kahit Halloween ang okasyon, ay kilig parin ang hatid ng teen star na sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin sa kanilang mga tagahanga. Ito nga ay dahil karakter sa “Romeo and Juliet” ang kanilang napiling costume ng dalawa bilang sina Leonardo DiCaprio at Claire Danes.

Talaga nga namang nakakatuwa ang pagdiriwang ng Halloween ng mga sikat na celebrities, dahil kanilang nagamit ang kanilang imahinasyon upang magkaroon ng kahanga-hangang Halloween costume.